Tuesday, June 9, 2009

ANG BATO. NAKARAMDAM NG PAGOD.

Minsan gusto ko itanong sa sarili ko kung gano ba kadaming KATANGAHAN ang nasalo ko nung nagsabog ng sangkatutak na katangahan dito sa mundo?
Totoo pala sinasabi ng mga kaklase ko ..

"Neri.. ang utak mo pinahid lang sa bungo mo.."

Ang hirap pala no? NAPAKA- hopeless romantic ko kasi. Wala na akong ginawa kung hindi palambutin ang puso kong bato sa mga walang kakwenta kwentang bagay na librong binabasa ko.. Nagbabakasakaling makakahanap ng istoryang kahit papano, paniniwalaan ko. -- Tipong sarili kong istorya. :)

Si Jeffrey. -- ang isang WALANG KWENTA. GAGO. PASAWAY. BALAHURANG sobrang mahal na mahal ko. Sa dinami dami naman ng taong pwedeng gumulo sa buhay ko. Sya pa. Ha ha ha. ! Di ko pinagsisisihan. malayo. Matigas ang ulo. Lahat na ata ng sakit ng ulo ng isang "BOYFRIEND" (Girlfriend nga bang maituturing?) Eh nakuha na niya sa akin. Ngayon. Napakalaking pagbabago.
GABUNDOK -- kumbaga? :D



At sa "pagkakauntog" ko sa kalokohan ko. naisip kong bakit hindi na lang ako gumawa ng sarili kong FAIRY TALE? Ako ang BIDA. Ako yung kawawa. Yung laging magpaparaya. HOPELESS. OHLALA.




TAE :


1. Unang TAE -- magpapakaayos na ako. Pangako yan. Lahat ng kalokohan ko babaguhin ko. Lahat ng ugali na pasaway. AALISIN ko.. TAKE NOTE! Wala akong ititra. Yun kasi yun yung nagiging dahilan bakit nya ako lagi pinapagalitan. Wala na syang ibang tinetext sa akin kundi..


"Bahala ka nga!"


"Ewan sa'yo!"



"Nakakabadtrip ka na."


"wag ka magtext."



**
Aww. Gano kahirap yun sa isang girlfriend na sabihan xa ng ganun ng kanyang minamahal. Ang PUSO! Ang PUSO! Wala ng ginawa kundi magpakamartir. Sabi nga ng isa sa aking DOTA BOYS :


"Rizza! Ikaw eh ipapabaril ko na sa Luneta sobrang kamartiran mo! Hahaha!"


AKO: ** tango lang. "Ah ok.."


Bitter Sweet mga MAHAL KO.


2.) Ikalawang TAE -- Iwasan ang sobrang pamamahal. Nakakasama. Nakakaadik. Dangerous to my health. At sa sobrang kasamaan, minsan nalilimutan mo na ang sarili mo. SOBRANG KATANGAHAN. Pinapangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, magtitira ako ng kahit isang porsyento para naman hindi na ako magpapakamatay pag ako ay nasaktan. Sobrang iyak huh.


3.) Ikatlong TAE -- Kahit anong mangyari, hindi na ako magpapaapekto. Napakalaking palabas ito na ginawa ni Jeff. At tunay namang nadala ako sa bawat SENARYO. Tipong pakiramdam ko. totoo. Pakiramdam ko. Lahat yun nasasaloob ko. Tipong lalamunin lahat ng paniniwala ko. Lulunurin ako na lahat ng sinasabi nya. Kailangan MANIWALA AKO. Pero sa nangyayari ngayon. Totoo nga. Nauntog na ako. Kahit anong gawin kong sulat ng kwentong gusto ko, hindi talaga ata ako magkakaron ng isang mala- TWILIGHT na kwento-- kwento na kahit sa tingin ko imposible, sobrang totoo sa paningin ko. Sa pakiramdam ko.




Ayokong isipin sa ngayon na NASASAKTAN ANG PUSONG BATO NG ISANG SUPERHUMAN.. Hero nga ako eh. hero na kahit kelan ako ang pinakamalakas. Ako yung aasahan. Pero parang bigla atang nagbabago-- Si JEFF ang Kryptonite ko. Nagpapahina sakin. Nagpapatiklop sa akin. Kaya akong paiyakin at durugin kahit anong oras. Umaga. Nagtext ako. Binigyan ko sya ng isang KATANGAHAN na nung kalaunan, natawa na lang ako. Sabi ko..



"Swear Cos promises are always broken.. Kahit iwan ka niya. Pwede mo akong balikan. May babalikan ka.. Hihintayin kita. ILOVE YOU BHABY. Always.."



HUMAGALPAK KA SA KAKATAWA.

GUMULONG KA KAKALAITSA SINABI KO.


At least ako, sinasabi ko nasa loob ng puso kong bato.



3rd YEAR NA AKO. EXCITED NGA BA?


MABUBULOK TAYONG LAHAT DITO.
** THOU SHALL NOT BLINK.

No comments:

Post a Comment