Nagising ako. 4:03am. Nakita ko sa cellphone ko. August 29, 2009. First day ng BAYCON. Biglang nagbeep ulit. May Message. Syempre, galing sa mga YFC na excited. (Tulad ko. Hahahah!)sa BAYCON. Galing kay Risafe. :) COOL! Ang aga nila gumising. Excited hindi lang ako kundi ang buong YFC BATANGAS sa annual event na to. Kahit sa multiply account ko nakalagay sa calendar ko ang event na to. :)
Dumating kami sa venue pasado alas-8 na ng umaga. Ang dami ng YFC. :) Masaya ang atmosphere ng venue. Nakipila kagad kami para kumuha ng ID namen. Woo. In fairness, sina Kuya Nunoy ang aga sa venue, or I should say, hindi na sila umuwi. Hahahah. :)) Maingay kagad. Lahat naka-statement shirt.
"You'll Never Have to Worry About It. Let GO and Let GOD."
"Lost Ako.. Buti na lang Anjan si Kristo."
"I've been Broken and Beaten.. Ngayon Buong Buo kasi the Lord has Forgiven."
"Thought I have Nothing. With HIM. I gained Everything."
"I can't find GOD. He found ME."
** Ang mga COOL na statement shirts, nagkalat noong araw na yun. Hahaha. Nakakaaliw tingnan. Nagrally ang buong YFC Batangas as opening ng Conference. Ang saya. Parang totoong rally. May mga sings at banners ang sectors. Ang ingay. SUPER SAYA! :))
Tumakbo ang buong araw namin na Worship. Praisefest. Sessions. Competitions. at Kulitan ang buong Conference. Nakilala namin ang buong YFC Batangas. Nagkaron man ng competition at minsan ay nagkakainitan pa, ayos lang. Sulit ang 2 araw na puyat sa Conference.
Lahat itinaas ko. Mga taong umiwan sakin. Mga tumingin ng mababa sakin. Nilaglag ako nung mga oras na kailangan ko. at mga taong tumalikod sa akin. lahat ng yan eh alam ni God. Kaya sa huling worship ko sa Conference na yon, tinaas ko kamay ko habang umiiyak sabay dasal na:
"Lord, alam ko pong napatawad nyo na sila. Kahit ako man po. kayo na po ang bahala. Magmomove on na ako. Alalayan Mo ulit ako ha?"
Di ko namalayan, umiiyak na pala ako. Bigla kong naalala
ang group ko sa thesis.
Si Jeff na nanakit sakin.
Ang Devil Bats na kupkop sakin nung mga oras na iniwan ako.
Si Julius na nakasamaan ko ng loob; a week before the conference.
Lahat ng ito. Iniyak ko sa huling dasal ko sa Kanya. Alam ko sya na bahala sa lahat ng nangyari. :)
SALAMAT. SALAMAT.
Salamat at binasa mo ang post ko. Next naman?
Regional Youth Conference.
Lucban, Quezon.
October 24-25, 2009. :))
"In the World You will Have Trouble, But Take Courage,
I Have Conquered the World."
-- John 16:33
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment