Sunday, June 13, 2010

Siya ang #1 sa puso ko. :)


siya ang papa ko. :)




Today is my 22nd birthday. Maraming nagtext, maraming nagpost sa wall, maraming nagpm at bumati ng personal. Nakakatuwa, nakakatouch dahil sa paguumeffort ba naman nilang pagaksayahan ng panahon ang tulad ko para lamang batiin para sa birthday ko.

Pero bukod sa birthday ko, may isa pang marka to sa kalendaryo ko.
Hindi lang ako ang nakakaalam pero maging buong mundo.
Hayaan nyong i-share ko sa inyo ang tungkol sa lalaking #1 sa puso ko.

----

Ang papa ko. Tatay. Daddy.

Sya. Ang number 1 na lalake sa buhay ko. Marami mang dumating sa buhay ko, para sa amin, walang tatalo sa kanya.


Close kaming magkakapatid sa mga magulang namin kaya naman nung umalis ang ate ko isang linggo na ang nakakalipas ay tunay namang mabigat sa loob ng magulang namin ang pagkahiwalay nya. Si papa.. Sya ang nag-iisang naghatid kay ate sa airport last week. Ayaw ni mama dahil baka maiyak lang sya eh ayaw nyang panghinaan ng loob si ate. Lingid sa amin, nung nasa airport na sila ni ate, pawang yakap at tahimik na pag-iyak ang nagawa ni papa kay ate. Nahirapan si papa, pero dahil sa kailangan, bilang ama, sinuportahan nya ang gusto ni ate.

Si papa, ang unang unang nagtatanggol sa bunso naming si chin chin pag pinapagalitan ni mama. Kaya minsan sinasabihan ko yun..

"Woo, favorite nyo lang yun."

Kasi naman, minsan sa akin nagagalit kahit yung isa naman ang may kasalanan at nagpabaya. Hehe. :)
Close sila ni Chin chin at proud si papa sa anumang natatamo ng bunso namin lalo na sa academics. Si papa at si chin chin, magkaugali.

At ako..
Ang pangalawa, di ko maiitanggi, malapit ako sa papa ko. Mahilig kami magdebate lalo na nung nagdaang eleksyon. Marami syang nalaman na pananaw ko tungkol sa mga bagay bagay na noon nya lamang nalaman. Proud din sa papa sa mga nagagawa ko. Kahit minsan pakiramdam nya na wala na halos akong pahinga dahil sa mga commitments ko sa iba't ibang organizations, okay lang. Pinapaalalahanan nya pa din ako. Isa din sya sa mga nagtutulak sa aking ituloy ko ang pagsusulat. :)

Si papa, ang unang nagpapaalala sa aking..

"Ay Rissa ha, hindi bawal magboyfriend pero alam dapat ang limitasyon ha? Paalala namin yan lagi ng mama nyo."

Minsan nga yun pa napapagkwentuhan ko ng crush ko. Kahit yung ex kong super iyak ako, kilala nun. :D


S
i papa ang nag-iisang lalake na alam lahat ng nararamdaman ko mula't sapul bukod kay mama. Si papa ang dakilang gwaping sa pamilya namin dahil sya ang nag-iisang lalake. Si papa ang nag-iisang pinapaliguan naming magkakapatid ng halik sa mukha pag dumadating sa bahay. Si papa ang nag-iisang katuwang ng mama ko na bestfriend na din namin. At si papa ang nag-iisang lalake sa buhay naming 4 na babae sa buhay nya na tunay namang maiipagmamalaki sa taglay na kasipagan, katatagan sa lahat at modelo namin kapag faith kay God ang pinag-uusapan. Si papa, ang ugat ng lakas ko kaya ko tinatype ito at ang post na ito ay alay ko sa kanya.


WE LOVE YOU PAPA! :)
HAPPY FATHERS DAY
!

No comments:

Post a Comment