Hindi ko alam kung bakitt ganyan ang title ng blog ko ngayon.
BAKIT NGA BA????
Sa totoo lang, ang dami kong iniisip ngayon. 20 na ako, at hindi ko malaman kung bakit ngayon lang ako natuto tuligsain ang mga bagay sa paligid ko.
Madaldal nga ako pero ni minsan hindi ako naging interisado sa mga bagay tulad ng pulitika at kung ano ang lagay ngayon ng bayan ni Juan.
Nagumpisa to nung isang beses manood ako ng TV Patrol.
nakita ko yung mga balitang ngayon ko lang natutunang panoorin.
BULAG AKO. Oo noon.
Eto yung mga ilan sa mga balitang Natandaan ko:
UNEMPLOYMENT INSURANCE NG NEDA. Kung tutusin, dapat noon pa to pinatupad ng gobyerno. Bakit ngayon pa kung kelan dapang dapa na tayo diba? Salamat kay Sec. Ralph Recto. (Dapat nga ba??) Sa gayon, yung mga unemployed na kababayan natn, matulungan kahit papano. BACK UP! BACK UP!! =)
APPEAL SA SUBIC RAPE CASE. Totoo! Napapahiya ngayon tayo. Pagkatapos ng pagtuligsa natin sa mga Amerikano, heto ngayon si Nicole. BUMABALIGTAD. Naghuhugas kanay at sinasabing walang rape na naganap. Pano nalamang ang sasabihin ng mga Amerikano sa atin? na tayo'y mapagsamantala? Na porket nasa teritoryo ay malakas ang loob na pagsasalitaan ang mga hindi taga dito? Tao din sila. Kahit saang sulok ng mundo, may karapatan sila. NAPAPAHIYA TAYO SA MISMONG LUPAIN NI JUAN.
** Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na magpost ng ganito. Ngayon lang talaga. Naiinis ako. Sa dahilang, napakadumi pala talaga ng mundo. Hindi literal na dumi. Nakakasuka. Nakakarumi.
Pero kahit ganito ang nangyayari. Eto masasabi ko:
"3RD YEAR NA AKO.. ΓΌ"
-- Neri.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment