March 23, 2009-- Ewan ko ba? Bakit nung araw na yun, napakaweird. Siguro hindi lang talaga ako sanay na si Kawri(marjorie) ay kasama namin eh overnight kami. Hindi naman kasi yun basta basta pinapayagan lalo na ng tatay nya. Gusto kong magtanong pero minabuti ko ng hindi. (Dapat nga magpasalamat pa ako kasi kasama sya eh may role pa naman sya sa play.)
Naging ok ang overnight namin. Makukulit lalo na nung matutulog na. NAKUUUU!! Sobrang kulit nila. Ang gugulo. Ni isa sa amin, hindi naisip may yun na yung huling araw na makikita naming masaya si Marjorie nung linggong yun. Hindi ko talaga inasahan.
March 27, 2009-- yun yung araw na kinainisan ng 2BN. Baket? Kasi naman pinapunta kami ni Ma'm Enriquez sa school eh super punta kami kasi nga may presentation kami. Naiinis, pero no choice pero dapat bumalik sa April 2 for the final presentation. POSTPONED! Yun din yung araw na nagplano sila for their outing kasi naman nagset na sila. Di ako sumama pero ok lang. :)
Masaya kami nung araw na yun. Kahit isa sa amin hindi naisip na may malulungkot sa amin sa dadaang linngo. Hindi namin alam kung sino. Tuloy ang saya ng mga kolehiyala. Ayos sa kwentuhan. Kung nagkakaplastikan man, wala na yun.
March 28, 2009-- Eksaktong 5 ng hapon nun. Ayun1 Ipon ipon na sila para sa outing nila. Dun pa ang meeting place sa school namin. Nakakatuwa kasi kahit gahol sa oras nagawa nila. Nashare sa akin ni ken to:
KEN: "Nerie, bakit ganun? parang pugto mata ni Kawri? Parang malungkot sya?"
-- Nagtaka ako sa sinabi ni ken nun. Parang iba ang mukha ni Kawri ng mga oras na yun.Pero hindi nya pinansin.
Alas-6 ng hapon. Sa tapat ng Cathedral ng Lipa..
Kakatapos lang magsimba ng mga magulang ni Kawri para sa wedding anniversary ng mga ito. Isang di kilalang lalake ang biglang sumulpot at walang anu-ano ay pinagbabaril ang tatay ni Kawri. Sa likod at sa ulo. Patay kagad.
Kasalukuyang nasa biyahe noon si Kawri. May kung ano na palang nangyarisa tatay nya. Hindi nya alam. Wala na.
Pasado alas-8 na ng gabi ng sa hindi malamang dahilan, tumawag si Chad (Bf ni Kawri) sa kaibigan naming si Jinky. Sa pagtataka nya bakit nito tinatanong kung nasan si Kawri at tinatanong kung san to nag-outing? So syempre sakagustuhang makatulong kay Chad, binigay nya ang mga number ng mga kasama ni Kawri sa San Juan. (Kung san sila nag-outing.)
11 ng gabi. March 28-- Dumating daw si Chad sa San Juan kasama ang tatay nito at ang pinsan ni Kawri na si Kenneth. Nagtaka kagad si kawri. nagtanong sa pinsan nya kung bakit ganun lang ang suot nito. Eto naman ang sabi ni Chad:
CHAD: "Pinapasundo ka sa inyo. Emergency lang."
Nagtaka sa Kawri.
"Bakit ako susunduin?"
"Emergency?Anong nangyari samen?"
Yun yung mga tanong ni Kawri. pero kahit ganun, sumama pa rin sya. Emergency daw eh. Di nya alam kung anong dadatnan nya sa Lipa. Ewan? Ewan?
Pasado alas-12 ng hatinggabi. Ipinagatataka ni Marjorie bakit lahat tahimik. Lahat walang kibo at tulala. Una nyang naisip, may nangyari sa lolo nya. Sa Lolo Daddy nya. Hindi nya alam. Sumunod na lamang nito ang text nya kay na Ken na.....
"DITO NA AKO SA AMIN. PATAY NA TATAY KO TANG INA!"
Nagulat ako nang mabalitaan ko. Nung oras na malaman ko, di na ako nagdalawang isip na pupunta ba ako o ano? Kailangan kami ni Kawri. Iyakin yun. Kamusta na kaya sya?Walang magawa si Jinky kasi nasa Cebu sya kasama ang pamilya nya nung mga oras na yun. Nasaktan kami. Ayoko maisip yun. Pumunta kagad ako. Tumambad sa akin ang kabaong ng tatay nya, si Kawri na pugto ang mga mata at ang dalawang kabarkada ko na nauna na pumunta para makita si Kawri. Parang kamag-anak nya ako. nasasaktan ako pag nakikita ko sya. Ewan? Siguro nga dahil kaibigan ko sya.
Kinukwento ko ito kasi gusto ko ibahagi yung dinadanas ng kaibigan ko sa ngayon. Hindi madali ito. Ang nanay nya na mag-isang papasanin ang 4 nilang magkakapatid. Ang ate nya na isang taon na lang ay gagraduate na sa college at ang mga bata nyang kapatid. Hinaharap nila ang buhay nila. Wala ang tatay nila.
Ang hirap no? Pero kahit ganon, bilib ako sa tapang ni Kawri. Alam kong kaya nya. At sa mga oras na ito, hindi sya dapat magpakarupok lalo na sa nanay nya.
nakakbilib sya. ASTIG nga.
For you to Kulapo.ΓΌ
Sana mabasa mo.
GOD BLESS. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment