Friday, May 8, 2009

BEYBI MO? :D

Ako eh talagang naduduling na sa bahay. Wala na akong ginawa kungdi magbilang ng mga butiki. Bilangin kung ilang beses sila dadaan sa paningin ko. Ilang beses sila hihinto o minsan pa kung ilang beses sila papatak mula sa kisame namen. Isang kaabnormalan.. :D

Ngayon lang ako nagkaron ng ganitong bakasyon. Mas tuyo pa sa HAWOT. Mas nakakainis pa sa mga taong kinaiinisan ko. Haayy! Nakakainis. DOT. DOT. DOT.

So ganito ako ngayon.

TULOG.KAIN.NUOD TV.KAIN.TULOG.

Vice versa lang. Ganyan ang buhay ko ngayong bakasyon. Nakakamiss yung ganun dati. Yung gigising ng tanghali. (Kasi nga hapon ang klase ko.) tapos mag-aaral. Manonood ng Tv. In short, -- BUHAY SENYORITA.
Ngayon ang senyorita eh super tambay muna. Mas maganda kung may summer class. At least, kahit papano, magagamit ko yung kakarampot kong utak.
Dami kong iniisip ngayon. Lamo kung ano?


♥ UNA-- nahihirapan ako sa school. Ang daming problema. At sa tingin ko parang patagal ng patagal, mas mahihirapan pa ako. Ang saklap. Ako na isang superhero, simpleng bagay eh inaayawan. HAW SAD!! :( Isang napakalaking katangahan talaga. KAPIRASONG UTAK na nga lang ang asset ko, palpak pa! GAGA talaga ako kahit kelan. Kailangan Aminin. Kelan kaya ako pwedeng tawaging matalino? as in yung pwedeng tawaging "DEAN'S LISTER"?

♥ IKALAWA-- HEARTBROKEN ang lola nyo? bakit kanyo? Abah malay ko. Basta na lang kami nagbreak. Iba talaga ako. Napakawalang kwentang girlfriend. Mahirap din kasi diba kung hindi nagkikita. Malay ko ba kung may iba yun don? Di naman ako pinanganak ng nanay ko sa mundong to para makipaggaguhan at gaguhin ng magiging bf ko. Diba? kasi naman ako yung tipo ng tao na kapag nagboyfriend eh yung talagang matagalan na. HOPELESS ROMANTIC ika nga.

♥ IKATLO-- 21st BIRTHDAY KO. Hindi ako excite sa totoo lang. Ni hindi ko nga binibilang yung araw bago birthday ko. Oh diba? Matured ba yun? Oo. 21 na ko pero ang setting ng utak ko parang bata pa din kaya hindi pa pwedeng iconsider na matured na. Inaaway ko nga lagi ang boyfriend ko dati eh. hay. ewan. HAPPY BIRTHDAY na lang sakin. Sana may bumate.


Ilang bese ko tinatanung sarili ko. Abnormal ba ako? Iba kasi mag-iisip. Parang gumagawa ako isang fairy tale sa isip ko. Storya na alam ko. Ako yung bida. Tapos sa huli ako din yung masama.


MASAMA ANG EPEKTO NG BAKASYON! :D

No comments:

Post a Comment