Saturday, April 25, 2009

KATAM.

Mula noong magsimula ang bakasyon, hindi na ako tinigilan ng sakit ko. Ano yun? katam. Alam nyo naman siguro kung ano yun. sa bagay, nasanay na kasi ako ng "maraming ginagawa" kahit kunware. Kunware may sense. Kunware makakatulong. Summer eh. dapat nag-eenjoy ako. Eh ano pa. Wala na akong ginawa kung hindi matulog, kumain, mangulit, awayin ang kapatid ko at kung ano ano pa. Haayy. MISS KO NA ANG SCHOOL. :D Totoo yun!


Sa mahigit isang buwan na bakasyon. parang wala naman akong natatapos o kung anuman. Maganda pa sana kung may summer class ako mas maige pa. Mas marami akong magagawa.Eh kaso nga wala. So ayun! nagpapakabulok ako sa bahay. Tumitig sa bubong. Magbilang ng butiki sa dadaan at magbilang ng bigas. WIRDO.
GUSTO KO MAGBORACAY. Asang asa naman. Hahaha! Kung pwede nga lang sana. Para itong kabagutan ko, may mapuntahan naman. Insufficient fund kahit kelan. Oh no! Matatapos ang bakasyon, wala akong pix ng kahit anong pinuntahan. nakakahiya kaya yun. Parang sasabihin nila. TAONG BAHAY lang ako nung summer. Nyehehe. :)

DEATHNOTE-- Isa sa mga paborito ko ngayon. Kasalanan ni Debbie eh. Hahahah! pinakilala nya sa akin ang pelikulang yon. nagustuhan ko kasi napakawirdo nung storya. isang notebook na pagsinulatan mo ng pangalan, mamamatay yung taong sinulat mo ang pamgalan. Oh galing no. Talagang nagpabili pa si debbie ng notebook ni Kira (Bida sa pelikula) para mapatunayang big fan sya.


EDITING--Isa pa yan. Hilig ko din ngayo, puro edit. Hahahahah! Masaya naman eh. Kumbaga, pinapalawak ko ang horizon ko. Yown! syempre, kahit papano eh nagpapakadalubhasa. Sa anumang larangan, anyway. Basta, favorite ko iton. :)




NAKAKATAMAD NA ARAW NA NAMAN ITO.

No comments:

Post a Comment