Hindi lahat ng Fairy Tales may linyang "..and they live happily ever after.." Hindi lahat ng love story nageending na masaya ang prinsipe at prinsesa. At minsan ang dream fairy tale mo na akala mo nagkakatotoo na pala ay nauuwi sa isang bangungot-- Mala-Romeo and Juliet. Isang trahedya. Minsan hindi maganda maging futuristic. Hindi din maganda ang sobrang sweet. Hindi maganda ang pumasok sa isang relasyon na hindi ka handang sumabak sa mga bagay na maaaring makapagpabago sa iyo. Sabi nga sa nabasa ko sa Candy Magazine: "Norah and Nick, Nick and Norah's Infinite Playlist: Love Lesson: Always be prepared for someone to change your life."At bilang pagbitaw sa pangako nyang hindi nya ko iiwan, narito ang ilang payo para sa papalit sa katayuan ko..
PARA SA'YO:
1. SMILEY.Ü- Lagi kang magtetext na may smiley sa text mo. Lagi din syang ganyan at sinisiguro ko sa'yong magiging buo ang araw mo pag panay smiley nya at pakikipagpalitan ng mga messages na may smileys ang ibibigay mo.ü
2. AKTIBISTA- Tanggapin mo sya bilang sya. Ibig kong sabihin, pumasok ka sa buhay nya na tanggap mo kung saang bahagi ng mundo sya nabibilang. Isa syang aktibista at pag minsang tinanong ka nya kung ano gagawin mo kung sumama sya sa mga NPA, pag-isipan mong mabuti ang isasagot mo, dahil dati ang isinagot ko ay sasamahan ko sya. Sumagot ka ng taos sa puso mo. Wala sa kanya kung tutol ka o payag, ang mahalaga, totoo at hindi galing sa ilong.
3. ONLINE- Magagalit sya pag hindi mo sya nireplyan pero nakita nyang online ka. Ipi-pm ka kagad nyan. Humingi ka nga tawad kung ganyan man ang mangyari. madali syang magtampo.
4. EX- Wag na wag mong mababanggit ang mga ex mo at kung nagtext man sa'yo ang ex mo, make sure sasabihin mo sa kanya kung ano ang tinext sa'yo at kung ano ang inireply mo. Madali din syang magselos at madali mo din itong mahahalata. (Unang una, walang smiley pag nagreply.) Tampuhin din yan basta nakarinig ng hindi maganda.
5. PIG- Wag mong babanggitin ang mga sumusunod: "Starfish, Neri, Nerissa, Rizza, Bhie, Mhie, Mrs. Lim at Yatot" kung ayaw mong maalala nya ako. Baka magalit pa sa'yo at maalala ang mga kalokohan namin dati.
6. THREE FILIPINO WOMEN BY F. SIONIL JOSE- Wag mo din syang papakitaan ng librong yan baka masampal ka ng di siansadya. Yan ang unang regalo ko sa kanya at naiyak sya noong ipinadala ko yan. Pwede kong ipagyabang sa'yo dahil ako ang unang gf nya na naunang magregalo at nagpakapagod sa inaakala kong isang simpleng bagay lamang pero pinahalagahan nya ng tunay. Yan ay ayon sa kanya.
7. SNITCH- Kainin mo na lahat ng paborito mong chocolate sa harap nya huwag lang ang SNITCH. Kakabit kasi ng librong ibinigay ko sa kanya ay ang sandamukal na tsokolate kasama na ang snitch na paborito ko din ay ipinadala ko sa kanya. Mahilig sya sa chocolate. I-control mo ang pagkain nya ng chocolate baka lalo syang tumaba. :)
8. Sabihan mo sya ng PANGET kahit hindi naman- Naranasan ko ng sabihan sya ng panget sa mga kaklasae ko at kabarkada nung mga panahong gusto nila itong makilala. Napahiya ako. Dahil taliwas sa komento kong panget sya "kuno" para di na sya pagkaguluhan, eh kabaliktaran ang komento ng mga kaklase at kabarkada ko. Chinito mestiso daw? :D
9. Lagi mo syang hanapin- Gusto nya yan. Yung lagi syang hinahanap. Ganyan din ako noong kami. Sa pagmulat ng mata ko sa umaga, sya at sya lang ang una kong hinahanap. Intindihin mo lahat ng ginagawa nya at patawarin mo sya kung humingi sya ng tawad o kahit hindi man.
10. Mahalin mo- Buong buhay ko iniaalay ko sa kanya hanggang ngayon. Minsan na nya kong sinabihan na matigas ang ulo at hindi na nya kailangan. Malaki ang galit nya sa akin sa hindi ko maunawaang dahilan. Ngunit sa kabila ng mga pasakit, pang-iinsulto, pagluha at pag-iwan, ni insanhindi ko isinuko ang pagmamahal ko at mananatili sya sa puso ko habang ako ay buhay. Mahalin mo sya higit sa ginawa ko. Higit sa kahit ano. Mahalin mo din ang sarili mo muna at bigyan mo sya ng pagkakataong magbago. At kung mamahalin mo sya gaya ng ginawa ko, Miss, eto lang ang ayo ko.. Ihanda mo ang sarili mo.
Tama na siguro ang sampung payo na yan kung mamahalin mo sya. At pag nalaman ko na nasaktan sya, ako mismo ang hahanap sa'yo at siya'y igaganti ko.
OHLA.
Good day. Pasok na morons. :D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment