Sunday, February 21, 2010

SAVE THE WORLD. SAVE ME.

Malamang busy ang lahat habang ginagawa ko 'to. Malamig ang gabi ngayon at habang nakapajama ako ay naghahanap ako ng ka-chat. Ganito ako ngayong gabi. Sa ganitong paraan makakaramdam ako ng pananadaliang kaluwagan na hinahanap ko noon pa mang mga nakaraang araw.

Pilit na sinasaksak ko sa kakarampot kong isipan ang katotohanan ng nakaraang linggo. Pilit kong inililigtas ang sarili ko sa pagkalunod sa balon na punung-puno ng masasakit na bagay. Ayoko.. Tama na.. Kung maaari sana'y wag na. Pilit kong pinipikit ang mga mata ko sa nakatambad sa aking harapan. Ang bagay na noong namumuo lamang at di ko binigyang pansin ay maaari pa lang maging isang katotohanan. Isang simpleng bagay na dapat hindi pinahaba. Isang bagay na kailangan ng kaunting pang-unawa.

At ang bagay na ito ay tila isang halimaw na unti unti akong nilalamon.. Sa pagkakataong ito naman, ako ay humihingi ng saklolo..

Para akong patay..

Sa pagkakataong ako'y naging ganito, hindi na nakaramdam ng maayos na emosyon ang puso kong tila lumamig na at naging bato. Kasalukuyan kong sinusuong ang buhay gaya ng dati subalit sa pagkakataong ito, tila hindi ako makakilos. Para bang nakagapos. Gaya ng dati.. Noong wala pang gumigimbal sa akin.

Tao lang ako.. May mga bagay na nakakasakit din sa akin. At dahil nga sa tao lamang ako, nararamdaman ko na unti unti ang sakit na ito. Ang hirap.. Hirap na mapalayo "lalo". Sabi nga ng kaibigan kong si Justine..

"We can never force someone to love us..All we can do is to love and someone who could be loved.."


Yun lang.

Magmamahal ka kahit wala itong kapalit. At yun ang unconditional love na ibinigay ko... At ngayon ko lamang ito ibinahagi sa isang mahalagang tao sa buhay ko..


Pero...

No comments:

Post a Comment