
Naguumpisa na.. Ang taung-taong martsa ng mga mag-aaral. Hayy.. Isang taon pa, sa Awa ng Diyos, kung papalaring maging maayos, isa na din ako sa mga tulad nilang aakyat sa entablado. Nakasuot ng toga at nagmamartsa kasama ang karamihan.
Ikaapat na taon ko na sa kolehiyo pag pasok ng darating na June. Medyo hindi ko pa ramdam na huling taon ko na ito bilang estudyante. Ni hindi ko nga ata alam kung may natutunan ako sa apat na taon kong pag-aaral. Natuto ako malamang, ngunit hindi lahat. Nakakatawang isipin.
Bigla kong naisip, "kung tinuloy ko ba ang Nursing dati, ano na kaya ang buhay ko nagyon?" Malamang, wala pa ding pagababago. May kung ano ang kumurot sa akin. Na dapat graduate na din ako ngayon. na dapat registered nurse na ako kung pinalad akong nakapasa sa board exam. Pero.. Sadyang may mga bagay na hindi nakalaan para sa'yo. Dito ako dinala ng mga paa ko. Sa propesyong noong una, ni hindi ko nahinuha sa isipan ko. Alam kong hindi ko ito gusto, at natatandaan ko pa noon, hinding hindi ko ito magugustuhan.
"PARA SAAN BA AKO?"
No comments:
Post a Comment