Friday, March 19, 2010

REGRETS.


Sa tuwing mag-isa na lang ako, di ko mapigilan na magtanong.. "Kung pinalad ba ako sa pagtutuloy ng kursong inumpisahan ko, nasaan na ako ngayon?" At ayun nga.. Nagumpisa na ding pumasok sa akin ang kung anu-ano. Nariyang naisip kong,malamang nasa Canada na ako at nagtatrabaho bilang nurse o maging tamabay lang din siguro gaya ng kaibigan ko sa hirap ng buhay at walang oportunidad na makahanap ng trabaho.

Aaminin ko, kaya lamang siguro ako pinakuha ng nursing ng magulang ko ay dahil nasilaw sila sa maaaring kikitain ko kung ako man ay maging nurse. Nasilaw sila sa mga lugar na posible kong marating pag ako'y natapos na, pero gaya ng iba, hindi nagtagal ang propesyong ito sa tinatawag kong LIMELIGHT ng buhay. Gaya ng iba, lumubog din ito. Hindi ko minamasama ang mga kumukuha ng nursing ngayon, malamang, magkakaroon lamang sila ng pagkakataong makarating ng ibang bansa kung mayroong tutulong sa kanila o magkaroon ng trabaho kung mayroon ding tutulong sa kanila o kapag sinuwerte. Yan ang pananaw ko.

Hindi ako naging malaya sa kursong ginusto ko. Noong una talaga, gusto ko maging bahagi ng MEDIA. Tama. Yung magtrabaho sa ABS-CBN, yung sumama sa pagcocover ng balita, yung gumawa ng balita magdamag, yung makakita at makainterview ng mga aktibista habang nagsasagawa ng pagkilos, yung nasa lansangan para makakuha ng ibabahagi mo sa taumbayan. Gusto ko maging reporter. Lahat yan. At inaamin ko, hanggang ngayon, yan pa din ang gusto ko.. Ang maging bahagi ng media.

Hindi ako pinalad.. Pinag-usapan ng pamilya ko kung ano ang kukunin ko..Maraming suhestyon. Umabot pa sa puntong ang pinapakuha sa akin ay Education. Sadya namang matigas ang ulo ko kaya hindi ko sinunod iyon. Sa halip, sinabi kong gusto ko ay Communication Arts o Mass Communication. Ayaw nila. Kahit pa pinaliwanag ko naman kung ano ang posibleng maging karera ko pagkatapos. Ang napala ko lamang na sagot mula sa kanila ay..


"Eh ano namang magiging trabaho mo? Sigurado ka ba na pagkagraduate mo, sa channel 2 o kahit channel 5 eh makakapagtrabaho ka?"


--
Eto ako ngayon, darating na sa huling yugto ng aking pag-aaral sa kolehiyo, at may kaunti sa utak ko, aaminin ko, nanghihinayang ako sa mga pagkakataon. Isang taon na lang. At hihinga na ako ng maluwag.Isang taon na lamang, may kalalagyan na ako sa mundong aking ginagalawan. Isang taon na lang, at pag pinalad sa Awa ng Diyos, nakatoga na ako. Pwede na ding maipagmalaki kahit papaano.

No comments:

Post a Comment