Wednesday, March 24, 2010

OL TAYM PINOY PEYBURITS. :D




Matatawa ka sa mga nakalagay dito. Ewan ko eh. Ngayon ko lang ninamnam ang ganda ng pelikulang RIZAL
. Napanood ko na iyon dati. apat na beses pa nga eh. Pero ngayon ko "mas" naintindihan kung ano ba mga nagawa ni Rizal. (Bukad sa pagkakaroon ko ng subject na "Rizal" ngayong 3rd year at kung sino sino ang mga nainvolve sa buhay nya. Nakakatuwang panoorin na pati kung anong itchura ni Heneral Polavieja, iniimagine ko lang dati, ngayon, may pinanood akong hindi man nya kamukhang kamukha pero malamang kuha ang itchura.


Nahuli ako ng pasok sa film showing. Hindi ko naman kasi alam na kakainin ng oras ng panonood ng Rizal pati ang oras ng klase namin sa Professional Ethics kaya mas minabuti ko munang pumunta sa office ng publication kesa naman tumunganga sa room na wala namang prof. Pagadating ko sa film showing, pinagalitan ng kaunti ng minamahal kong propesora. :) (Pero actually, nagising lang sya sa pagkakaidlip nya nung marinig nyang pumasok ako.)


Nagkaroon ako ng pagkakataon para ikumpara ang panahon noon sa panahon ngayon. Obvious naman diba? Modern na tayo. May cellphone, may telepono, at hindi ko magagawa ito kung walang computer at internet. :) See the difference people? Ü

Pinanood ko nang mabuti ang pelikulang iyon. Napansin ko na may pagkakaparehas din pala sa kasalukuyang panahon ang mga nangyayari doon at sa ngayon. Nandoon ang eksena na kung saan ang mga Kastila ay inaapi tayo. TInatawag na mga INDIO o mababang uri. At nakita ko iyon sa eksena noong si Rizal ay nag-aral sa UST.
Mayroon din palang mga aktibista noon. May mga kilusang lihim na lumalaban sa pamahalaan ng mga Espanyol. May mga peryodista din na tumutuligsa at nagpapamulat sa kalagayan ng bansa noong mga panahong iyon.Maraming pagkakaparehas, kaya nakikita ko ang Pilipinas noon at ngayon. Sa pamamagitan ng pelikulang iyon, lalo na ang eksena na kung saan may mga nagrarally sa harap ng Unibersidad Central de Madrid para kay Dr. Morayta. ANG GALING. Parang nasa Mendiola lang ako noong pinapanood ko ang eksenang iyon. :D






--PUYAT AKO. KAYA NAGKWENTO LANG AKO. :))))))

No comments:

Post a Comment