Thursday, April 1, 2010

BRINGING BACK GRADE SCHOOL. :)

(grade 4 section 1 of Ma'm Jhona L. Castrillo. ü)


Ewan ko, pero kaengotan malamang
itong ginagawa ko. OA marahil sa mga makakabasa nito pero simpleng paggunita lamang sa aking pagkabata. Isa akong manunulat sa sarili kong ideya, blogger sa palagay ko kahit hindi naman ganoon kadami ang tagasunod ko at mambabasa, may pinaglalaban at sa tingin pa ng iba'y nagsasayang lamang ng panahon at oras, at nagsusulat ng kung anu ano na wala namang magbabasa kahit sino ang makakita. Hayaan ninyong ang mga bagay na inaatupag ko sa mga oras na walang ginagawa ay maibahagi ko sa inyo.

Kung sa pinapalagay mo, walang nararating an
g mga sinusulat ko, masasabi ko namang may napuntahan ang mga ideya ko. :) Ikokonekta ko 'yan kahapon.


Umaga kahapon. Huwebes Santo, April 1, 2010, sinimulan kong buksan ang aking facebook account at i-check ang mga notific
ations. Sa di ko maipaliwanag na pagkakataon, may kung anong ideya ang sumabit sa aking utak noong mga oras na iyon: Ang hanapin ang mga kaklase ko noong elementary. Una kong hinanap ang lalaki kong kaklase na si Virgilio S. Morales III. Tinayp ko ang pangalan sa search at madali ko namang nakita. Nakita ko ang account nya..

Virgilio S. MOrales III, University of the Philippines Los Baños. Nakakatuwa, UPLB sya- pugad ng mga isko at iska. Pinindot ko ang "Add as frien
d" at syempre nakita ko ang tisoy ng klase namin dati na mutual friend din namin sa facebook na si Alvin Escueta. Hindi pa ako nakuntento dun. Binuklat ko pa ang friends nya at naghanap pa ng mga kaklase ko noong elementary. Nagulat ako. Natuwa. Naluha (kahit mukang OA) sa tuwa at nasabik na makita ulit sila. Halos lahat ng nadaanan ko sa friends nya ay kilala ko.Iba pala talaga ang pakiramdam pag nahanap mo ulit silang mga kaklase mo noon at sa sarili mo pang tyaga. Nakakatuwa. Bumalik lahat. Yung mga panahong tinitingnan ko silang paburgis, kasama ang mga nanay nila habang sila'y hinahatid, nilalagyan ng towel sa likod, etc.. Natuwa pa ako lalo nang makachat ko si Eryka (na noon ay lagi kong katabi). Niyaya nya ako sa get together? Ewan ko lang kung meron nga? Nakakahiya kaya! Ni hindi nga ako nagpaalam sa mga iyon noong umalis ako noong matapos ko ang grade 5. Sa kabila noon, may kurot sa loob ko.


(Sila ang mga tinutukoy kong kaklase ko sa Laguna na nahanap ko ulit. ü)

Sa simpleng paghahanap ko, nakita ko ulit sila. Tipong parang ninakaw ko saglit ang oras at binalik ito noong mga panahong stroller pa ang bag ko, white at blue pa ang uniform ko at bitbit ang grooming kit at sewing box ko.

Natutuwa ako, natatandaan pa nila ako. Ako na umalis sa paningin nila noong kami'y mga
bata pa, ngayo'y naririto't hinahanap sila at nagbabakasakaling makikilala pa.


EX-ELEMENTARY CLASSMATES: Si Nerissa Barde, sana tanda mo pa. ü



Sayang lang ulit ang everythings. :D

1 comment:

  1. hindi ako aalis ng hindi nagko-comment...

    hindi nasayang ang EVERYTHINGS mo...maganda ang pagkasulat at pumasok sa kokote kong maghanap din ng ibang taong nakilala ko noon. salamat!

    ReplyDelete