Tuesday, April 20, 2010

NAMIMISS KO NA ULIT SYA.


(sya po ang aking minamahal. HAHA)

Sinusumpong na naman ako. Sumpong na kahit kelan, mahirap pagalingin. Sumpong na kahit anong gawin kong tago, hindi ko kayang takasan. At hanggang ngayon, pinipilit ko pa ding bumalanse at maglakad.

Nag-usap kami. Pag-uusap na parang namimiss namin ang isa't isa. Sa loob ng dalawang buwan na pag-iyak ko sa tuwing naaalala ko sya, noon lang ang mga pagkakataong napatawa ako at aaminin ko, may halong kilig.

Natatandaan ko noong unang beses na nag-usap ulit kami matapos ang dalawang buwan na walang sinasabi sa isa't isa. Yun lang yung pagkakataong parehas kaming tumatawa,yun lang yung panahon na parehas kami sigurong kinikilig pero tiyak ko, parehas kaming magaan ang loob dahil nagusap kami ng maayos. Tipong walang halong plastikan, tipong puro patawa ang ginagawa namin. Parang walang sakitan ang nangyari nung nakaaraan at animo, parang kulang nalang ay magsabihan ulit kami ng "i love you." sa isa't isa.

Sabado de Gloria noon, April 3, 2010. dapit hapon na noon at tandang tanda ko pa na may ginawa akong picture noon para sa ikinakampanya kong partylist. Agad kong pinost ito matapos kong gawin. Nakakatuwang may ilang nakapansin. Biglang may mga sumulpot na kulay pula sa gawing itaas ng aking facebook account-- Sa notification. Pinindot ko iyon at tiningnan kung ano o sino ito. Nakita ko ang pangalan nya. Nag-like sa ginawa ko. At tulad ng dati, hindi ko din naman ito pinapansin. (So ano ngayon kung mag-like sya? Hehe) Pero kasunod ng ginawa nyang iyon, biglang sumulpot ulit ang isang notification at ito ay mula ulit sa kanya. Tiningnan ko ulit at isa namang comment ang inilagay nya sa ginawa ko. Iniwan ko pansamantala ang ginagawa ko para tingnan kung ano iyon. Nagulat ako sa sinulat nya sa comment. Kanit noong kami pa, hinding hindi sya gumawa ng ganung comment na magiging obvious na may intensyon sya.

"Sana magkausap ulit tayo."

Bago pa man mangyari ito, nagtext na sya sa akin, madaling araw ng Biyernes Santo. Hinihiling nya, sana daw ay makausap ulit nya ako. At ayun nga, natyempuhan pang online ako noong hapong iyon. Nagonline ako sa multiply sa kagustuhan ko ding makausap sya at gusto kong malaman bakit gusto nyang magkausap kami. Siguro sasabihin nitong may bago na sya? O sa malamang may problema na naman ito at gusto ng kausap? Yun lang ang dalawang naging konklusyon ko noong mga oras na iyon. Ang katotohanan pa, kaya ako nagonline maghapon na halos hindi na kumain ay para makita kung magoonline din sya, para malaman ko kung may gumugulo na naman sa kanya o may problema na naman ba sya? At aaminin ko, apektado ako talaga kapag may nababalitaan ako tungkol sa kanya. Sa pagbabanta sa kanya, sa problema nya, sa mga nararamdaman nya. Lagi syang laman ng dasal ko.

At ngayon,hindi ko pa din maturo ng diretso kung ano ba talaga ang pakiramdam ko. Mahal ko pa ba talaga sya o sadyang naghihilom na lahat ng nangyari. Wag naman sana, pero kahit patuloy akong nagdadasal na sana sa hinaharap maging masaya at okay ulit kami, sana parehas kami, lalo na sya, na wag mapagod sa katayuan namin sa kasalukuyan.

Hindi pa iyon natapos doon, kagabi, habang hinihilot ng mama ko ang tiyan ko dahil sumakit ito ng sobra, tipong hindi na ako makagalaw, pumikit ako at napaiyak sa sobrang sakit. Dala ng kahinaan ng loob at sakit na nararamdaman ko. Animo'y may pagkukusa ang aking isipan na biglang nakita ko sya sa likod ng nakapikit kong mga mata. Ang salamin nya, ang singkit nyang mga mata, labi nya, ang ilong nya, ang cute nyang pisngi, ang buhok nyang pinagmamalaki nya lalo na pag bagong gupit, at ang braso nyang hindi mo maiintindihan kung mataba ba o ano. Nakita ko sya sa pagpikit kong iyon at tila gusto ko namang umiyak ngayon hindi dahil sa masakit ang pakiramdam ko kundi dahil namimiss ko na ulit sya. Miss na miss, na gusto ko syang hawakan at yakapin ng mahigpit. Umiyak sa balikat nya habang nakayakap at sabihin sa kanyang sorry sa mga nagawa ko at mangangakong mamahalin sya kahit kailan-- sa paraang kaya ko at sa paraang alam ko.


Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako tila sisigaw ng ganito sa aking blog. ito yung matagal ko nang pinaparamdam sa mga post ko. Alam ko, kahit ang malapit kong kaibigan na si Angge, ay hindi pa ito nakikita sa mga post ko..




HINDI PA DIN NAGBABAGO ANG NARARAMDAMAN KO. AT HANGGANG NGAYON, GANUN PA DIN.. AT ALAM KO, HINDING HINDI ITO MAGBABAGO.

No comments:

Post a Comment