Friday, April 16, 2010

BESTFRIENDS. =)


Hindi ko dapat ito ginagawa pero base na lamang sa mga narinig ko sa kapatid ko, iba ang mga iyon sa mga istorya ng pagkakaibigang narinig ko.Iba ang lalim nito sa pagkakaibigang ordinaryo lang ang kahulugan para sa akin.

Hayaan nyong ibahagi ko sa inyo ang pagkakaibigan ng kapatid ko at ang matalik na kaibigan nyang kasalukuyang kasali sa Pinoy Big Brother Teen Edition. Si Kyra Custodio-- Isa sa mga housemates sa Team Villa.

Nagsimula ito noong lumipat si Kyra sa public school na pinapasukan din ng mahal kong kapatid. May transferee-- magandang bata, mestisa at tila mula sa isang magandang pamilya. Pag-uwi ng kapatid ko, agad nyang kinuwento sa akin ang tungkol sa bagong dating na estudyante.Nahahabaan daw sya masyado sa pangalan nito-- Maria Kyra Francesca Villa Custodio daw ang pakilala nito sa kanila. Mukhang suplada at mukhang mayaman. Hindi na nya nabanggit ang tungkol sa batang yun pagkatapos noon. Hindi ko alam habang tumatagal ay naging malapit sila at nagkaroon pa ng barkadahan kasama ang isa pang kaklase nilang si Hezzel.Naging ganun ang takbo ng samahan nila.
Laging magkakasama, dadating pa sa puntong pupunta sina Kyra sa bahay namin para ipagpaalam ang kapatid ko kapag may pupuntahan sila at minsan pa nga dun pa sa kanila natutulog ang kapatid ko.

Second year sila noon nang magkaroon ng audition ng Pinoy Big Brother dito sa Lipa. Natatandaan pa namin, birthday pa ni mama noon at inimbitahan pa ng kapatid ko si Kyra na kumain sa amin dahil sa kaunting handa ni mama, pero sabi ni Kyra sa kapatid ko, hindi daw sya makakarating. Eksaktong sa parehong araw, nag-auditon din ang kaklase ko sa PBB noon at sabi pa ay gutom na sya kaya pumunta ako sa venue ng audition at dinalhan sya ng pagkain. May kung sinong natanaw ang kapatid ko kaya nilapitan nya ito-- Mama ni Kyra. At nakita nga nito si Kyra, nakapila din para mag-audition sa nasabing reality show. Nahiya pa sya sa amin kaya sabi wag namin ipagsabi na sumali sya. Doon na nag-umpisa ang buhay nya sa PBB.

Nag-3rd year sila at napili nilang dalawa na magsama na lamang sa isang section. Magkaklase ang kapatid ko at si Kyra at magkatabi pa ng upuan, magkasabwat sa mga lakad, nagtutulungan sa assignment at projects at higit sa lahat nakikitulog sa bahay nina Kyra.


Hindi ko alam na natanggap si Kyra na official housemate sa Pinoy Big Brother. Bukod sa hindi ko naman sila masyadong nakakausap tungkol doon, akala din namin ay hindi na sya matatanggap dahil sa isang taon na halos ang lumipas pero hindi pa siya natatawag, kaya inakala naming hindi sya kasali.

Nilarawan ng kapatid ko sa kwentuhan namin kagabi kung ano si Kyra. Dakilang pikon, mahilig sa ice cream, tamad kumain ng kanin, konti uminom ng tubig, prinsesa sa bahay, maghahain sa hapag ng kulang at tumatawa ng tumatawa pag naasar na daw.

Hindi ko alam kung gaano kalalim ang tiwala ng pamilya ni Kyra sa kapatid ko. Nariyang sabi ng isang lalaki na nakilala kong kakilala din ni Kyra na ang pakilala daw ni Kyra sa kapatid ko ay halos kapatid na at sobra pala ang pagtatakip na ginawa ng kapatid ko para hindi lang malaman ng iba na natanggap sya sa PBB. Umabsent pa nga daw ito isang beses sa kaorasan ng periodical at ito ay dahil sa photoshoot na gagamitin sa Pinoy Big Brother. Mismong ang nanay ni Kyra ang nagsabi sa akin na, "Alam mo pag lumuluwas si Kyra, alam na ni Eloisa (kapatid ko) ang sasabihin sa mga teachers. Itinago talaga ng kapatid mo lahat para walang makaalam."


Nagulat ako sa mga nalaman ko. Ganun pala kalalim ang tiwala nila sa isa't isa at ganun katindi ang pagkakaibigan nila. At ngayon, si Kyra Custodio, nasa loob na ng bahay ni Kuya. Masaya daw ang kapatid ko sa narating ng matalik na kaibigan at totoo, sinabi pa nya dito, magkalimutan na sila pag hindi sya isinama nito sa ASAP. :D


Nainspire lang ako sa narinig kong istorya.
Istorya ng pagkakaibigan-- Tiwala at pangarap. :)

No comments:

Post a Comment