Saturday, April 3, 2010

USAPANG MAG-AMA.


Ang hirap naman ipaintindi. Hay!



Maikli lang to, promise. :)
Usapang mag-ama.Ngayong hapon lang ito nangyari at gusto ko lang i-share sa inyo. :)

Dahil sa kaadikan ko sa facebook, kumain na ako ng tanghalian ngayong araw na ito bandang alas-dos y media ng hapon. As always, galit si father pero lagi namang walang magawa. Kumain ako ng aking tanghalian. Mukha pang tanga kasi napagtripan kong hindi umupo sa upuan habang nakadulog sa hapag kung hindi naupo ako sa sahig sa sulok ng kusina. Isang ideya ng kaengotan STRIKE 2.

Natapos ako kumain.. Tinanong ako bigla ng tatay ko at naloka naman talaga ako. Heto ang eksena. Ang PAPA ko at AKO.

PAPA: "Anak, ano itong nalaman ko? May ginawa ka tungkol sa school nyo? Na hinahanap mo daw yung budget para sa school nyo? Wag ganun, hayaan nyo na lang."

AKO: "Hindi naman kasi tama yung nakikita at nararanasan ko sa school eh. Pano yung mga susunod na mag-aaral dun? Di naman ata tama yun na deadma lang kami."

PAPA: "Kahit pa, wag kang lumalaban. Aktibista ang labas mo dun anak. Wag ganun. Ikaw lang sumisigaw sa gusto mong yan."

AKO: "Madami kami, lahat willing naman gumawa ng paraan, ang masakit dun walang nakikinig."

PAPA: "Basta ayokong lumabas na aktibista ka."

AKO: "Sino pa magsasalita kung wala?"

* Tumalikod ang aking ama.


Hay, kahit kelan talaga. :)

5 comments:

  1. isa lang ang masasabi ko...sa isang pamilya..kadalasan, inde marunong makinig kaming mga lalaki hehe...

    but go! kung ako ama mo...sige isulong mo ipaglaban mo! tama naman un eh..basta sa mabuting paraan lang anak hehe

    ReplyDelete
  2. FREEDOM!!! DONT SUPPRESS FREEDOM!!! AWOO!! AWWOO!!! MIGHTY SPARTANS!!!!

    ReplyDelete
  3. STOP CAMPUS REPRESSION!!!!!!!!!!

    ReplyDelete