
Sinasabi nilang matapang ako.. Na mataray ako.. Na palaban ako..Pero ang hindi nila alam, lubhang mahina talaga ang loob ko. May mga bagay na madaling makapagpahina sa akin at higit sa lahat, madaling makapagpaiyak.
Oo,isa akong dakilang iyakin.. At hindi yan lingid sa kaalaman ng ibang taong malapit sa akin.
Paano ba nag-umpisa ang ugali kong yun?
Noong bata pa ako, madali talaga ako umiyak. Minsan kahit pagagalitan lang ako ng konte, iiyak na kagad ako o mangingilid ang luha. Minsan kapag nagagalit ang ate ko sa akin, bigla akong iiyak kahit masama pa lang ang tingin nya sa akin. Minsan naman, talagang nadadala ng emosyon kapag pinagagagalitan ang kapatid kong bunso, dala ng awa kaya naiiyak ako. Mababaw ang mga dahilan ng pag-iyak ko noong bata pa ako, at tila mas bumabaw pa ngayong lumaki na ako.Minsan, nagsalita ako sa harap ng buong cluster ng kinabibilangan ko sa YFC. Cluster Assembly iyon kaya naman madaming dumating. Pinagsalita nila ako para magbigay ng goodbye message sa coordinators naming aalis papuntang ibang bansa. Ano ba naman ito at naramdaman ko na biglang umiinit ang magkabilang pisngi ko at nagumpisa na akong umiyak. Sadya ngang ang dali ko umiyak. Minsan, naasar na din ako sa sarili ko lalo na nung babagong break kami ng ex ko eh minsan, tumatakbo pa ako sa CR at nagkukulong sa cubicle para lang umiyak.
NAKAKAINIS NA DIN MINSAN. KAHIT SA SARILI KO, NASUSURA NA DIN AKO.
Tatlong beses lang ang natatandaan kong pagkakataon na umiyak ako ng sobra. Yung tipong humagulgol talaga ako sa sobrang pag-iyak.Una- Noong mamatay ang lolo ko noong 2004 na tunay namang ramdam na ramdam ko noon na gusto kong umiyak dahil binasahan ko pa sya ng bible verses noong umaga before sya pumanaw habang naluluha ako. Ikalawa- Noong tinamaan ako ng dengue noong nakaraang August 2009 na sobrang napaiyak ako dahil halos hindi ko na gustuhing makaaninag ng sikat ng kahit anong liwanag dahil sumasakit ang ulo ko at hinanghina na ako. Noon lamang yung pagkakataon na sinugod ako ng mama ko sa ospital na mag-isa. Umiyak ako noon dahil sa pag-aakalang simpleng lagnat na kung saan ay normal lang na inaalagaan ako ni mama eh dengue na pala ito, at nakita ko kung paano sya nagpuyat para alagaan lang ako. (Naiyak din pala ako nung hinalikan ako ng papa ko sa noo sabay sabing "Anak kinabahan ako sa'yo." :D, noon yun pagkatapos akong lagyan ng IV nung nakaconfine na ako.) At ang panghuli, umiyak ako dahil sa minamahal ko. As always, kitang kita ng pamilya ko kung paano ako umiyak kahit ang bunso namin na talagang minsan, aasarin pa ako na magbabasa pa ng tula about sa pag-ibig.
Yan ang kahinaan ko. Ako si Nerissa na iyakin. Ako si Nerissa na ang totoo, mahina ang loob. Ako si nerissa na emosyonal. Ako si Nerissa na madaling panghinaan. Kung magkakaroon man ng isa pang Nerissa na magpapakilala, madali mong malalaman kung yun nga ako, banggitin mo lang ang mga bagay na nakakapagpaiyak sa akin, asahan mo, masusundan iyon ng pagpatak ng luha ko.
naka relate naman ako ng sobra. matapang ako pero ang totoo sobrang iyakin ako. sa sobrang pagka iyakin ko ang bilin sa akin ng karelasyon ko nung umalis sya e "tipirin mo luha mo." minsan iniisip ko talent ko ang pagka iyakin para hindi ako maasar na iyakin ako. haha. isipin mo nlng pag umiiyak ka nililinis mo lang mata mo, yun naman talaga ga,it ng luha e. :)
ReplyDelete