
ANG MAHIWAGANG SALAD AT TINIDOR.
Badtrip yung feeling na ang haba ng blog post mo tapos isasave mo na biglang tinopak ang computer. Super restart ka ang masakit nito, ni hindi mo naisave sa word man lang. Badtrip 101.
Ganun pa man ang aking puso ang tumtibok ng tuloy tuloy. Masaya at inspirado. HAHAHAHA. :)
Nakuha kaagad niya ang aking atensyon.. Nakakatawa pakinggan pero hindi na siguro uso ang LOVE AT FIRST SIGHT? Sa akin malamang uso dahil kasalukuyan itong nangyayari. Pero ano magagawa ko, nabihag nya ang aking pihikang puso? HAHAHAHAHAHAHA. Hindi importante kung hindi nya ako gusto, hindi ko naman yun hinihiling sa kanya. Na gustuhin ako. :) ♥
Gusto ko magpasalamat sa mahiwagang tinidor at sa mahiwagang fruit salad na naksaksi sa aking matamis na kilig kaninang tanghali. Hindi nyo ho ako masisisi kung sa ganitong paraan ko ito nasasabi. Salamat syempre sa'yo aking mahal na BLOG. :)
Paano ka ba tumama sa akin PAG-IBIG? Paano ko ba sya nakita? Paano ko ba sya nakilala? Paano nagsimula? Natatawa na nga lang ako pag naaalala ko lahat lahat ng kalokohang nagawa ko para lamang makilala ko sya. EFFORT kung EFFORT!
Isang tanghali yon..
Nakita ko syang naglalakad palabas ng pantry sa aming office.
Nakita ko syang palabas.
Labas din AKO.
Lakad SYA.
Lakad din AKO.
Tingin SYA sa unahan.
Masid naman AKO sa direksyon nya.
Pumasok SYA sa expansion.
Distansya muna AKO. Baka makahalata.
Lakad pa AKO. Pasok din AKO sa expansion.
Hinanap. Ginalugad. Nagmasid kung saan ang pwesto nung lalakeng matangkad na sinusundan ko.
"Ayun pala.. Ah so, parehas kami ng account.. Ang tanong? Anong pangalan nun?"
Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari, basta ang alam ko, dinala ako ng paa, mata at isip ko sa lugar na iyon para ititigan lang sya. Para tingnan kung sino sya. Bahala sa si Batman sa susunod. Basta gusto ko yun. Natatatawa ako sa oras na 'to. 23 years old na ako pero ngayon ko lang nagawa ang sundan ang isang tao na ni hindi ko alam kung anong pangalan, sumugal sa katangahan para malaman kung sino yun. At nalaman ko na ang pangalan nya ay .........
Di bale na lang ha? At baka masearch nyo pa sa Facebook. :D
Tama na itong minsan kong mai-share ang mala-Highschool kong love life sa munti kong blog na wari ko naman ay walang nagbabasa.
PARA TALAGANG HIGHSCHOOL.
Ganun pa man, pinasaya ako ng mahiwagang tinidor kasama si fruit salad.
♥ JJJJ. :)
No comments:
Post a Comment