Saturday, December 31, 2011

ADIOS 2011-- OLAH! 2012!

( ISANG PAGBATI MULA SA UEFA CHAMPIONS LEAGUE SUPERSTARS.)
2011!


Ngayon ang huling araw mo. Maraming salamat sa mahabang taong sangkatutak at tadtad ng blessings, sana naman ay umpisa lang ito. Magtuloy-tuloy.. At tuloy pa.. Hindi ako mauumay.


Hindi ko na nga mabilang lahat ng natanggap ko at nangyari sa taong ito. Hindi nga mabilang. Binibilang ko talaga.
Ganun man, masaya ako sa taong ito at hayaan mong kahit konte ay ichismis ko sa'yo yung konte.


KAUNTI LANG. HANGGANG DUN LANG.




1. FEB 2011 -- Buwan na nagumpisang sumiklab ang laro na sikanjir college pa lang ako ay tunay namang inaabangan ko na. -- Football sa UK, soccer sa America. Na unang beses kong manood ng isang game na mismong Pilipino ang naglalaro. Na hindi english ang commentator at hindi "offsoyd" ang tawag sa offside dahil nga PINOY. Sa unang gulo, talon, tili, hampas ng scarf. Nakakakilabot ang unang larong nakita ko, na akala mo World Cup. Naranasan ko yan sa taong 2011.


2. APRIL 2011 -- GRADWEYT NA ME! Ang paghihirap ng magdamag, ang pagpupuyat ng sobra sa normal, at pagiyak ng dugo sa Thesis.. Ang pagiging estudyante ko ay natapos na sa mismong araw ng April 15, 2011. Sa wakas ay hindi na ako mag-aaral ng isang dangkal na reviewer, magbabasa ng sangkatutak tapos ay wala namang matatandaan sa kapiraso kong isipan. Tapos na yun. Pero.. yun ang akala ko, mag-uumpisa pa lang pala. Heto na nga.. Nararamdaman ko.. Unti unti na tumatarak sa bungo ko.


3. MAY 2011 -- "I LOVE YOU SWELDO!" Natutunan ko na sabihin sa buwang iyan, syempre nung mga bandang huli na ng buwan na yan. Bakit ka nyo? Isang buwan matapos ako eh sabitan sa pagtatapos ko ng college, nagtrabaho na ako, kumikita na ng sarili kong pera at nakakasunod na sa luho ng maarte kong buhay bilang isang dalaga. (Oo bilang isang dalaga. Utang na loob, isang dalaga.)


4. SEPTEMBER 2011 -- Isang malaking HEART. Yun lang. Alam na yun, yan yung araw na nakita ko sya. Ayun na. Humaheart-heart na hanggang matapos ang taon.


5. NOVERMBER 2011 -- Oh yeah. Boracay Babe. Sa 23 years kong nabubuhay, akalain namang nakarating ako sa Boracay dahil sa trabaho ko, take note, all expense paid trip pa yun, so excited ako. Boracay eh, tapos nung second day, umulan, ika nga ni Carpal.. DUROG..



6. DECEMBER 2011 -- At dyan ko nakita si likod bahay. :) At habang nakikita ko sya araw araw, paunat ng paunat ang buhok ko. At yung dahilan nun, akin na lang ho. :)




Madami na nga akong naranasan, nakita, iniyakan, tinawanan sa taong 2011. Salamat sa'yo, nag-umpisa ang swerte ko. Sana maliit pa lang 'to sa hakbang at siguro sana maging okay na ako.. Sana..




Thank you 2011! :)
Let go of 2011, unfortunately, he's part of it.

No comments:

Post a Comment