The Lucky One
At dahil sa'yo, nadadagdag ka sa WISHLIST ng buhay ko.
May wishlist ako, syempre nakatago. Salamat, kahit papaano bahagi ka nito. Pinapasaya mo ako sa konting oras na binibigay mo. Na hindi ko naman minsan inaasahan. Wag kang magalala, hinding hindi ako maga-assume na parehas tayo ng nararamdaman, na ganito ka din kinikilig na nagseselos ka din. (Wag sana nya 'tong mabasa!) HAHAHA. :)
KINIKILIG AKO..
Sa araw araw na tinetext mo ako.. Tinatanong na kung kamusta ako kahit wala sa likod ng utak ko na wala lang sa'yo yun. MASAYA AKO, I swear, you're making me feel happy. :)) Salamat sa araw na araw na magagaang pagtipa sa keypad ng cellphone mo para sabihan ako ng simpleng "hi" o "kamusta ka naman?" Hindi mo lang alam,masaya na ako.
Masaya na ako na kahit walang kwenta, nasabihan mo akong..
"Hinahanap kita kanina, hindi kita makita.." :) Hindi mo lang alam na sa oras, minuto o segundo na naaalala ko ang mga sinabi mo nung araw na iyun, para akong engot na natatawa, kinilig, at napapangiti lang.
Hindi mo alam ang kilig ko nang sabihin mo sa akin na ang paborito kong kanta, na araw araw ko ng walang kamatayang kinanta ay kinakabisado mo. Hindi mo alam paano mo ko napapangiti at paano ko naiisip na kumakanta ka din sa oras na kumakanta ako. :)
Hindi mo alam gaano ako kasaya.. Gaano kinikilig.. I'm praying for you. I am. I'm happy. Why?
Because you're making me happy.
No need for any word.
No need fort anything, just it. I'm happy.
No comments:
Post a Comment