"You're my miracle, believe me.."
-- Nerie
Oh well, gabi na naman at wala na naman akong maisip na pwedeng mailagay sa mahiwagang blog ni SUPER NERIE. Paano nag-umpisa at paano natapos ang araw kong ito na tila wala namang silbi.
Nagising ako bandang alas-syete y media ng umaga. Nagising dahil sa kakaibang banas na
nararamdaman ko noong oras na iyon. Sumagi sa isip ko.. Dilat -- tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.. "Off ko nga pala ngayon, gaga."
In-in muna. Sa agang iyon, una kong hinagilap ang mahiwagang libro na kung saan sinesermunan na ako ng hindi ako makakapag-asawa ng ayos kung puro true love ang pinaiiral ko. MALAMANG! :) Okay, so 7:30 ng umaga nagbabasa na ako.
Naumay. Nangalay. Inantok na naman ako. Tulog muna ulit. Silip sa bintana, maliwanag na pero pikit ulit. Natulog hanggang sa nagising bandang alas-otso ng umaga. Kinapa ang mahal kong "phone" (HAHAHAHA. Iphone. :P) May message sya. "Morning" daw. Konting kilig, tingin sa kisame, *sigh* ang aga-aga ganito.
Bangon. Ligo, bihis. Withdraw ng pera. Kaladkad ko ang mama ko, sinama ko sya mamili ng mga gusto ko. I LOVE YOU PAYDAY. Salamat at nabusog kami ng bongga ng nanay ko. Namili nga ako ng libro kaso mo naman ang nagustuhan kong Nicholas Sparks ay tumataginting na P 599.00. Hayy, kailangan muna kitang bitawan dahil may mas kailangan akong bilhin. Anyway, natapos ang araw ko ganap na 4:30 PM at saka lang nagyaya ng uwi ang mahal kong ina.
Manginginig na naman ako mamaya dahil wala akong binabasang libro gayun pa man bago pa man matapos ang aking araw, 25/04/2012.. ay nasira na ito bandang 12:30 ng tanghali sa hindi magandang nakita ko. Ayoko na idetalye ang mga nakita ko pero sa tulad kong SELOSA, ang aking online diary na ito na lamang ang nakakaalam na patagal ng patagal, palalim ng palalim yung sakit na nararamdaman ko kahit alam kong hindi naman dapat.
"Hindi naman masama magselos as long as may nararamdaman ka.."
Kung pwede nga lang sana na lahat ay ganyan ang persepsyon sa pagseselos ang kaso hindi, it's either sasabihan kang FEELINGERA o AMBISYOSA. Masakit, pero totoo naman diba? Tinamaan ka? Iilag kasi.
Okay. Tapos na. Blog, pasensya ka na, araw araw na akong nagsumbong sayo, kaya siguro araw araw akong nahihirapan mag-login sa'yo. :) HAHAHAH. :-)
Salamat sa pagbabasa. Hanggang sa susunod na pagseselos. :-)
No comments:
Post a Comment