Tuesday, April 24, 2012

OH MY GALEEEEHHH! :)



Yan ang gusto ko sana kasi parang naghahamon ng suntukan.




Hindi naman kasi tama 'to. Alam kong mula't sapul na hindi na dapat pinalawig pa kasi isa lang ang hahantungan kumbaga, babanggaan. Utang na loob! Not anymore. Another heartbreak issue. Tama na ang tatlong heart break issues na ginawa ko dati, at hindi ko na dadagdagan yun. Salamat noong una, wala-- Negative hanggang sa dumating si PAIN.


Ilang beses ko na naman syang tinatawag na PAIN. Sa hindi ko mawaring dahilan, yun ang unang rumehistro sa kokote ko nung mga oras na litung-lito ako, selos na selos, nanggagalaiti sa hindi naman pwedeng dahilan at naiiyak na sa sobrang asar.


..... Tapos biglang nag-play ang "Always be my Baby.." Suntukan na lang tayo David Cook. Naaasar nga ako eh diba? Diba? Okay, so sa pagpapatuloy ng masalimuot kong linggo, hindi ko na iisa isahin na nainis ako, na hindi ko nakikita yung inaasahan ko.. (na alam mo namang dapat ay HINDI..") Isa lang ang pakahulugan ko sa post kong ito, masama ang loob ko!



Alam ko may makakabasa ditong iilan. Hihinto, sisipatin ang page na 'to at titingnan at maghahanap ng pwedeng mabasa.. Yung may KWENTA. Wala 'to, wala ding makikinig sa pagmamarakulyo ko. Nakakainis lang. Basta NAKAKAINISSSSSS!! (Superlative sa "S")


Off bukas ni Super Nerie, di muna ko magliligtas ng mga malulungkot na nilalang ha? Tutulog ng mga 3 weeks si Super Nerie, para di ko makita si PAIN na ngalingali ko na ibuhol sa cellsite ng Globe. :D

No comments:

Post a Comment