Para sa'yo,
Hindi ko pwedeng sabihing kamusta ka dahil hinding hindi naman tayo naguusap. Hinding hindi at lalong bumibigat ang nararamdaman ko pag nakikita kita. Malayo man o malapit.
Hindi ko ginugusto 'tong nararamdaman ko, basta ang alam ko, kalokohan nga 'tong nararramdaman ko ayon na din sa kaibigan. Hindi ko alam kung nasan ako noong una kitang nakilala. Hindi mo nga pala ako noon kilala, ganun pa man, hindi ko malilimutan ang na yun na sumulyap ka lang sa akin pag katapos ay bumaling sa ibang pwedeng tingnan. Tama ka. Hindi ako dapat pag tuunan mo ng pansin.
Nakakatawa kung paano hanggang ngayon ay dinadala ko ang kalokohang ito na kahit kailan ay alam kong mali. Matagal kong binuo sa isip ko ang post na to para na din pagtapos sa ilusyon kong alam ko namang hindi tama at isa lamang kalokohan. Hindi ko alam. Parang ligaw na damo, basta na lamant tumubo, at alam kong wala din namang silbi.
Habang tinitipa ko ang huling salita sa post na 'to, kailangan kong itanim sa isip ko na "HINDI TAMA. KALOKOHAN." ang lahat ng sinasabi ko.
Goodbye na lang sa'yo. Masaya ka alam ko. Nakakaiyak. Tama na siguro ang kalokohan.
With tears,
Super Nerie
PS: Sana di na ulit kita makita.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment