Thursday, May 24, 2012

CONFESSION OF A GEEK


 No matter what..

Eto yung pakiramdam na minsan may ginagawa ka, bigla kang matitigilan, na bigla kang masasamid, maaalala mo lahat ng mali at hindi dapat gawin. Hindi ko akalain na lumalim ng ganito ang nararamdaman ko at umabot sa puntong naluha ako, nalungkot ng todo at inisip ng sobra lahat ng nararamdaman ko. Nagmamahal ako sa alam kong paraan pero sa alam ko namang mali at hindi dapat. 

Hindi ko man lang alam ang eksaktong araw kung kelan ko nasabing mahal ko nga sya.. Na totoo ang nararamdaman ko. Tunay nga ba? Anong basehan? Hindi ako pwedeng lumapit, hindi magandang tingnan at lalong mukang katawa-tawa. Minsan naiwan ako mag-isa sa sala ng bahay. Nanonood, tapos napatigil ako ng hindi sinasadya sa ginagawa ko. Bigla kong tinanong ang sarili ko..

"Minahal mo sya dahil sa pisikal na itsura? "

Alam ko sa sarili ko kung ano ang tinanong kong iyon. Hindi ko naman masagot. Salamat sa palabas na VOICE kung saan bonggang ang gown at nagsusumigaw ang cleavage.  Huminto ako pansamantala sa pag-iisip. Nakita ko kung paano ako maapektuhan maisip ko lang sya which is alam kong mali, alam kong nakakahiya kung may makakabasa ng nasa isipan ko. Hindi to tama.. Hindi ito ang dapat na nararamdaman ko kasi alam kong mali at isang kalokohan lamang ito at.. at.. walang maniniwala sa akin. Hindi ko dapay ipahalat at kailangan ko na magtago.


Sa kauna-unahang pagkakataon, aaminin ko. Na minahal ko lang sya dahil sa pisikal na nakikita ko, sa lahat ng papuring nakikita ko at nakikita ng iba sa tulad nya. Pero hanggang dun lang pala yun at totoong hindi ko kayang tanggapin yon. 



Umamin din ako sa wakas. 

No comments:

Post a Comment