Saturday, April 18, 2009

PERPEKTO KA? :D

Isang pagkakamali na nagkaroon ako ng mga kaibigang masasabi kong dapat ng tawaging "MGA DATING KAIBIGAN".. Isang pagkakamali na minsan tinatawanan ko, minsan naman pilit kong pinapakalma ang sarili ko para wag magalit.

KAIBIGAN marahil sila para sa mga taong tingin nila din ay mga "KAIBIGAN". Mga taong tingin nila ay pwede silang katuwaan sa anumang oras. Mga taong kayang sundan ang mga luho nila. Na kayang makipag inuman sa kanila hanggang madaling araw. Walang pag-iisip kung ano man ang pwedeng mangyari kung lalabis man. Mga taong kaya mong "biglain" sa kung ano mang lakaran ang gusto mo. Magyaya ka. Pihado ang isasagot nila.. "San tayo magkikita?"

Pinapalagay nila ang kanilang mga sarili bilang mga taong matataas ang sarili. Mga taong totoo daw sa kahit anumang oras? At maaasahan mo sa oras ng pangangailangan? Isang malaking KALOKOHAN! Pwede ba?! Masuka kayo sa inyong mga sarili. naririnig mo ba yung mga sinabi nyo.


Eto yung ilan sa mga LINYA niya kung san, tunay nyang minaliit ako... :



"Kacheapan yon no!"

"hahaha! Okray ka talaga. Kalokohan naman talaga ang blog eh!"

"Ikaw ang akala mo kung sino dyan! Na kesyo nag-aabroad ang ate mo?!"

"Imbyerna din sila sa iyo no! hahaha!"

Wala akong ibang ginawa kung hindi magpasensya. Maliit na bagay lang kung tutuusin, pero pang-iinsulto ang napala ko. Mga bagay na ni minsan hindi ginawa ng isang kaibigan saken. Mga txt na kahit kelan hindi ko natanggap sa mga taong natulungan at NAKINABANG sa akin. Walang kwenta. Nakakarumi. nakakasuka.



Ang mga taong tulad nila ay dapat nang binabaon sa limot. Bagay na inuumpisahan ko na dahil kung tutuusin may mga kaibigan na ako. Subok ko na naman at sana maging ganun pa din sa mga susunod.





NAKAKAPAGOD GUMAWA NG BLOG. :D

No comments:

Post a Comment