Saturday, December 26, 2009

HOLLAAHH! ADIOS TWENTY-OW-NINE. :)

2009 is nearly over! :) Nakakatuwa. Another year na puro naman iyakan at kalokohan ang dumaan. May natutunan ako this year. Lamo kung ano yon? Naging tipo ako ng tao na nagiging patas sa kung ano man ang nangyayari sakin. Ni hindi ko magawang magreklamo ngayon sa kung ano man ang maging resulta nung mga ginagawa ko. RATIONAL. :D Marami nga nagagalit sa'kin. Ultimo yung terorista kong prof na kung saan galit na galit mga kaklase ko, naiintindihan ko kung bakit sya ganun. Kakaiba ba?


Fruitful ba ang 2009 para sa'ken? Fruitful.. not in terms of materials na natanggap ko this year.


BAKIT NGA BA MASAYA AT MEANINGFUL ANG 2009 KO?



Eto yun.


1. UNA. DENGUE. Bwisit na sakit. Ang pumatay sa Ate Dianne. 3 days lang after nya magkasakit, masaklap na binawian sya ng buhay. Nakakatakot. at sa payat kong to, akalain namang tinamaan ako ng sakit na yon. 1 week akong nagkasakit at HOLLAAHH! Naconfine pa. Pano ba naman nagstart na pala ako magkaroon ng internal bleeding. Tanda ko pa nung maconfine ako.. Unang gabi.. Di ako makatulog..
Bangag at dehydrated na. Kulang na lang laklakin ko na yung dextrose ko. :D

2. IKALAWA.
SI KHIEN. Ang kabarkada at kaklase ko na halos anim na buwan kong hindi inimikan dahil sa di pagkakaintindihan ng tungkol sa thesis. Magagawa ko nga naman kung nagkasakit ako. Pero isang araw, November 4, 2009.. Birthday ni Sector Head, nasalubong ko sya, at binati naman ako. OK na yun. ü

3. IKATLO. YFC. Bumalik ako from nowhere. Di ko na nga matandaan kung kelan ang huling pagkakataon na nag-worship ako bago ako nakabalik noong July 19, 2009 dahil sa isang pakiusap na sumali ako sa GAG show entry ng Community Based. Awa ni Bro, akalain nyo namang nanalo pa kami. (Syempre napatid ang litid ko sa lalamunan para gayahin lang si Kris Aquino.)

4. IKAAPAT. YOUTH CONFERENCES. Huling Conference ko na Provincial, as in Batangas Youth Conference eh yung sa Batangas Sports Complex pa. Matagal na kaya yun., 2006 pa. Ngayong 2009? Yeehaa! Pambawi portion ata talaga to na nakasama ulit ako sa mga conferences. At ang huli nga eh yung sa Lucban, Quezon kung saan buong Southern Tagalog kasama ko at syempre.. BATANGAS SHADES ON! YFC Batangas ang over-all champion. hahaha. :D (2010 Regional Youth Conference: Batangas ang host province.)

5. IKALIMA. SI KAPATID NA JULIUS. Ok na kame, at pagkatapos ng di pagkakaunawaan dahil sa isang tampuhan bago mag-BAYCON eh natuldukan na yun nung mag-teambuilding ang Campus Based at doon nabuo ang TEAM KOKAK at syempre AKO mismo ang leader. :D

6. IKAANIM. FACEBOOK & BLOG. Ngayon lang ako naga-update nyan compared dati na panatiko akong lubos ng FRIENDSTER. Oo. Ngayon, nasamahan pa ng panibagong multiply account at twitter. 2009-- Masaya pa din ang online life. :D

7. IKAPITO. NEW CAMPUS. Nilipat n campus ang school ko. Mas malaki. Mas malawak. Mas bongga at mas binabaha. Minsan nga sa pagmamasid ko, nakita ko na mahirap pala pag-umuulan. Flatshoes pa gamit ko. Nasabi ko nalang sa mga kaklase ko..


NERI: "PAg umuulan pala dapat may dala tayong balsa.." **tawa.


B-2-304.. Puntahan mo ko. Yan room ko. :D

8. IKAWALO. FAMILY.Maayos kahit most of the time eh ginigipit talaga kami. Masaya naman ang family ko. Di man kami mayaman financially, mayaman naman kami sa LOVE. LOVE LOVE LOVE LOVE.. ♥♥♥

9. IKASIYAM. JOSE DENNIO LIM jr. ♥♥♥ Isang nilalang na binigay sa'ken. GG ko. God's Gift kung di nyo alam ang ibig sabihin. Lagi ko syang pinagdadasal. Every prayer time ko at pag nagsisimba , lagi syang kasali-sali. Sana nga forever na. Para naman maranasan ko na alaga yung saya na pangmatagalan. Yung para talaga sa'ken. PIG! ♥♥

10. IKASAMPU. PAGBABAGO.Wiwit! 2009 nga ay tapos na para sa'ken. Say goodbye o pains and failures. Dahil sa mga nangyari sa'ken at sa mga dumating this year ngayon ko narealize na dapat ko i-treasure lahat. kahit maliit na bagay. Magbabago na ko this year. Sa pabuti para MASAYA. :D




Dami din palang nangyari this year. May masaya, may malungkot, may nakakatawa at nagpaiyak talaga sa'ken. and masaya ako dahil lahat ng yun nafigure out ko ang message nya at may natutunan ako..



Photobucket



SHOUT OUT! :)



"SURVIVAL RATE DROPS TO ZERO.."




** Nerissa. ü









1 comment:

  1. Batangas has so many wonderfull view. you should try mabini or
    rosario in batangas.

    ReplyDelete