Friday, March 5, 2010

HINDI PORKET...




Malapit na mag-monthsary..
Ang break up na halos pumatay sa akin. Malapit na mag-one month. Ang bilis ng oras at halos hindi ko na pala napansin.

Desidido syang makalimot. At alam ko yon. Halata ko yon. Kahit kailan, hindi na nya naibalik yung dating sa'min. Namamanhid ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko yon pero dapat kayanin ko. Dapat gawin ko din. kahit alam kong hindi ko kaya, dapat gawin ko. Mabubuhay akong mag-isa nang wala sya sa akin. Masakit. Nakakaiyak. Nakakapanghina.
Sa tuwing naiisip ko pa lang yun, parang ayoko na ulit huminga. Laging gusto ko, nakatunganga lang. Ayokong kumilos hangga't maaari.


Eto talaga ang mga gusto kong sabihin sa post na to..
Sana di ka naman magsawang basahin. :)

HINDI PORET WALANG SMILEY.. IBIG SABIHIN GALIT O TAMPO NA.


HINDI PORSKET UMIYAK EH MALAKI NA ANG PROBLEMA. MAY MGA TAO TALAGANG EMOSYONAL.

HINDI PORKET SUMANIB SA ISANG ORGANINSASYONG KINABIBILANGAN MO AY IKAW DIN ANG DAHILAN.


HINDI PORKET SINABING BAHALA NA, IKAW PA ANG AAYAW.


HINDI PORKET NAGALIT SA'YO HINDI KA NA KAYANG MAPATAWAD.


HINDI PORKET TINABOY KA, AY AYAW NA SA'YO.

HINDI PORKET BINITAWAN KA, AY SARILI LANG NYA INIISIP NYA.


HINDI PORKET MALAKI ANG KASALANAN AT MARAMING NASABING MASAKIT AY MASAMA NA ANG TINGIN SA'YO.

HINDI PORKET MAY MGA KAPINTASAN KA, IBIG SABIHIN WALA NG MAGIGING TAPAT SA'YO.
MAY KAPINTASAN DIN AKO.


AT HIGIT SA LAHAT..



HINDI PORKET SINABING AYAW NYA AT LUMAYO NA AY HINDI KA NA MAHAL.



Masakit pala magsakripisyo. hindi madali. Matapang ka kung kaya mong gawin ito at malamang sa huli abot langit ang pagsisisi mo kung gagawin mo 'to. At ginawa ko. Lampas pa kamo sa langit ang pagsisisi ko at hindi lang tangke ng luha ang naiiyak ko. Araw araw.. parang ang hirap imulat ng mga mata ko na parang laging nagmamakaawa sa Diyos na tapusin na lahat tong nararamdaman ko. Pero ayoko.. may kung ano na nagdidikta sa akin na ang pangako ay pangako. Hindi ko ito pinipilit pero sa kagustuhan na aking puso na puro bara na at naghihingalo na, tinutpuad ko ang pinangako ko. Gagawin ko at papanindigan ko. Tingin mo siguro mahirap, oo mahirap pero kaya ko to. Maglalakad ako mag-isa at pipilitin ko imulat ang sarili ko na mag-isa na lang ako.. Na sa isang iglap, lahat ng pinangarap naming dalawa ay burado na.. Na lahat ay iniwan nya sa akin.. At lahat, parang ginuhit lang nya sa hangin.. Maglalakad ako mag-isa.. Malungkot.. Umiiyak. pero dahil sa mamahalin ko sya habambuhay, kakayanin ko hanggang mamatay ako.




Ang agang blog nito. tungkol na naman sa TANGA kong puso. :)

1 comment:

  1. dumaan dito, wala lang chatbox kaya dito na lang ako nakikiraan,,,

    ReplyDelete