
Ako si Nerissa Dionido Barde. Call me "Nerie" or "Rissa" for short. :) 21 years old na ako at turning 22 na this year. (Tanda na ba? di pa naman. :D) Pinanganak ako sa munting bayan ng San Pedro, Laguna. Nagkaisip at lumaki sa Biñan, Laguna. :) Obvious naman kung saan ang mga lugar na iyon diba? Pangalawa sa tatlong anak na puros mga Marias. :)
May Ann
Nerissa
Eloisa. [ LOVE KO MGA IYAN.ü ]
Anak nina G. Dante at Gng. Merlinda D. Barde. Si mama, tubong Quezon, si papa, tubong Batangas. Siguro magtataka ka rin paano sila nagkakilala? :D
Nag-aral sa Laguna hanggang grade 5 at lumipat sa Velenzuela noong ako ay tumuntong na sa grade 6. Nag-aral at tumira ako doon sa Valenzuela kasama ang aking butihin at mapagmahal na lola, subalit kinalaunan, hindi ko din kinaya na malayo sa magulang ko kaya pumayag ang lola ko na sumama sa mga ito. At doon nagumpisa ang buhay ko dito sa Batangas. :)
Morena, payat, maikli na ngayon ang buhok ko. Hindi kagandahan pero marunong naman mag-ayos. May pagkamaarte din manamit minsan, pero mas gugustuhin ko yung nakapantalon basta komportable. Hinding hindi nyo ako mapapagpalda. YAN ANG SINASABI KO SA INYO. :D
Masayahin at mapagbiro-- Kadalasan, yan ang maririnig mong description nila sa akin. Ewan ko, kahit minsan lang na magsasalita ako, natutuwa sila sa mga hirit ko. Inborn ika nga daw ang talento ko sa pagpapasaya ng ibang tao. Mahilig ako kumain. Kumain ng kumain basta't may pagkain. Pero ang ipagtataka mo ay bakit hindi ako mataba. Oo. Isang malaking CHECK! Payat ho ako. Vital stats ko lang naman ay 33-25-35. Hindi perfect pero pwede na din. :D HAHA. :))
Iyakin ako. Madaling magtampo. Mahilig mangatwiran at higit sa lahat, palaban at mainitin ang ulo. Yan ang talaga namang mga kahinaan kong magagalit ka. Ewan ko ba pero hindi ko talaga minsan mabago ang mga ito, pero awa ng Diyos, dahil sa dati kong boyfriend nabago ko ang ugali ko na mainitin ang ulo. Natuto akong magpasensya. HAHA. Akalain nyo yun? :)
Mahilig ako magsulat. Kahit pader sinusulatan ko. JOKE lang. :) Gusto ko maging writer. Writer o kahit Film Director. Manalo ng Academy Award bilang best director at maging kilala sa buong mundo. Yan ang mga gusto ko.
Paborito ko ang Plants vs. Zombies, gusto ko ng Choco fudge na cloud 9, Snitch, Pizza at ang minamahal kong cellphone. Nasira ang aking camera. Gusto ko naman magkaroon ng SLR camera kung papalarin na manalo sa lotto, pero hindi ako tumataya. HAHA.
Isa akong Youth Leader ng Youth for Christ sa Lalawigan ng Batangas, lungsod ng Lipa. Proud ako at masasabi kong malaki ang naging bahagi nito sa pagbabago ko sa buhay. Anim na taon na ako sa YFC at Awa ni Lord,okay naman ang service ko. MASAYA ako at MAHAL KO ANG SERVICE KO. ♥
Isa din akong aktibong mag-aaral. Nakikilahok sa mga discussion sa school. Sinasabi nilang aktibista daw ako at nabibilang sa mga kabataang bukas sa mga isyung panlipunan sa aming school. Hindi ko naman ikinahihiya kung iyon ang palagay nila at tingin sa akin. Pinagmamalaki ko pa nga. :)
--
Ang post na ito ay para ipagyabang ko kung ano at sino ako.
So what? Eh yan ako eh. Eh di wag mo basahin kung di ka interisado. :D
and everythings? :D Next!
ReplyDelete