Thursday, May 24, 2012

CONFESSION OF A GEEK


 No matter what..

Eto yung pakiramdam na minsan may ginagawa ka, bigla kang matitigilan, na bigla kang masasamid, maaalala mo lahat ng mali at hindi dapat gawin. Hindi ko akalain na lumalim ng ganito ang nararamdaman ko at umabot sa puntong naluha ako, nalungkot ng todo at inisip ng sobra lahat ng nararamdaman ko. Nagmamahal ako sa alam kong paraan pero sa alam ko namang mali at hindi dapat. 

Hindi ko man lang alam ang eksaktong araw kung kelan ko nasabing mahal ko nga sya.. Na totoo ang nararamdaman ko. Tunay nga ba? Anong basehan? Hindi ako pwedeng lumapit, hindi magandang tingnan at lalong mukang katawa-tawa. Minsan naiwan ako mag-isa sa sala ng bahay. Nanonood, tapos napatigil ako ng hindi sinasadya sa ginagawa ko. Bigla kong tinanong ang sarili ko..

"Minahal mo sya dahil sa pisikal na itsura? "

Alam ko sa sarili ko kung ano ang tinanong kong iyon. Hindi ko naman masagot. Salamat sa palabas na VOICE kung saan bonggang ang gown at nagsusumigaw ang cleavage.  Huminto ako pansamantala sa pag-iisip. Nakita ko kung paano ako maapektuhan maisip ko lang sya which is alam kong mali, alam kong nakakahiya kung may makakabasa ng nasa isipan ko. Hindi to tama.. Hindi ito ang dapat na nararamdaman ko kasi alam kong mali at isang kalokohan lamang ito at.. at.. walang maniniwala sa akin. Hindi ko dapay ipahalat at kailangan ko na magtago.


Sa kauna-unahang pagkakataon, aaminin ko. Na minahal ko lang sya dahil sa pisikal na nakikita ko, sa lahat ng papuring nakikita ko at nakikita ng iba sa tulad nya. Pero hanggang dun lang pala yun at totoong hindi ko kayang tanggapin yon. 



Umamin din ako sa wakas. 

Monday, May 14, 2012

SULAT PARA KAY TOOT!

Para sa'yo, 

Hindi ko pwedeng sabihing kamusta ka dahil hinding hindi naman tayo naguusap. Hinding hindi at lalong bumibigat ang nararamdaman ko pag nakikita kita. Malayo man o malapit. 

Hindi ko ginugusto 'tong nararamdaman ko, basta ang alam ko, kalokohan nga 'tong nararramdaman ko ayon na din sa  kaibigan. Hindi ko alam kung nasan ako noong una kitang nakilala. Hindi mo nga pala ako noon kilala, ganun pa man, hindi ko malilimutan ang na yun na sumulyap ka lang sa akin pag katapos ay bumaling sa ibang pwedeng tingnan. Tama ka. Hindi ako dapat pag tuunan mo ng pansin. 

Nakakatawa kung paano hanggang ngayon ay dinadala ko ang kalokohang ito na kahit kailan ay alam kong mali. Matagal kong binuo sa isip ko ang post na to para na din pagtapos sa ilusyon kong alam ko namang hindi tama at isa lamang kalokohan. Hindi ko alam. Parang ligaw na damo, basta na lamant tumubo, at alam kong wala din namang silbi.


Habang tinitipa ko ang huling salita sa post na 'to, kailangan kong itanim sa isip ko na "HINDI TAMA. KALOKOHAN." ang lahat ng sinasabi ko.
Goodbye na lang sa'yo. Masaya ka alam ko. Nakakaiyak. Tama na siguro ang kalokohan. 





With tears, 
Super Nerie


PS: Sana di na ulit kita makita.

Monday, April 30, 2012

.. IS SO JETLAGGED . ♥



Jet Lag 
Simple Plan feat. Natasha Bedingfield



What time is it where you are?
I miss you more than anything
Back at home you feel so far
Waitin' for the phone to ring
It's gettin’ lonely livin’ upside down
I don't even wanna be in this town
Tryin' to figure out the time zones makin' me crazy

You say good morning

When it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's driving me mad
I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged

What time is it where you are?

Five more days and I'll be home
I keep your picture in my car
I hate the thought of you alone
I've been keepin' busy all the time
Just to try to keep you off my mind
Tryin' to figure out the time zones makin’ me crazy

You say good morning

When it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's drivin' me mad
I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged
Is so jet lagged

I miss you so bad
[x5]
I wanna share your horizon
I miss you so bad
And see the same sunrising
I miss you so bad
Turn the hour hand back to when you were holding me.

You say good morning

When it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's drivin' me mad
I miss when you say good morning
But it's midnight
Going out of my head
Alone in this bed
I wake up to your sunset
And it's drivin' me mad
I miss you so bad
And my heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged
Heart, heart, heart is so jetlagged
Is so jetlagged
Is so jetlagged 


 Wala akong maisip na ipost dito. Masaya na akong makita ka. :)

"Sana marinig ko 'tong kinakanta mo.." :) I miss you :) ♥

Friday, April 27, 2012

HAPPY POST.




The Lucky One


 
Hindi naman ako nangagarap. Hindi din naman umaasa. Nagpapasalamat lang ako kasi kahit papaano may tao pa palang ganyan. Kahit walang gusto sa'yo eh gentleman. Magpapapansit nga sana ako eh. Joke lang. 

At dahil sa'yo, nadadagdag ka sa WISHLIST ng buhay ko. 

May wishlist ako, syempre nakatago. Salamat, kahit papaano bahagi ka nito. Pinapasaya mo ako sa konting oras na binibigay mo. Na hindi ko naman minsan inaasahan. Wag kang magalala, hinding hindi ako maga-assume na parehas tayo ng nararamdaman, na ganito ka din kinikilig na nagseselos ka din. (Wag sana nya 'tong mabasa!) HAHAHA. :) 






KINIKILIG AKO.. 




Sa araw araw na tinetext mo ako.. Tinatanong na kung kamusta ako kahit wala sa likod ng utak ko na wala lang sa'yo yun. MASAYA AKO, I swear, you're making me feel happy. :)) Salamat sa araw na araw na magagaang pagtipa sa keypad ng cellphone mo para sabihan ako ng simpleng "hi" o "kamusta ka naman?" Hindi mo lang alam,masaya na ako.




Masaya na ako na kahit walang kwenta, nasabihan mo akong..
"Hinahanap kita kanina, hindi kita makita.." :) Hindi mo lang alam na sa oras, minuto o segundo na naaalala ko ang mga sinabi mo nung araw na iyun, para akong engot na natatawa, kinilig, at napapangiti lang.




Hindi mo alam ang kilig ko nang sabihin mo sa akin na ang paborito kong kanta, na araw araw ko ng walang kamatayang kinanta ay kinakabisado mo. Hindi mo alam paano mo ko napapangiti at paano ko naiisip na kumakanta ka din sa oras na kumakanta ako. :) 








Hindi mo alam gaano ako kasaya.. Gaano kinikilig.. I'm praying for you. I am. I'm happy. Why? 


Because you're making me happy. 
No need for any word.
No need fort anything, just it. I'm happy.



Wednesday, April 25, 2012

CONFESSION OF A JEALOUS BITCH PART II






"You're my miracle, believe me.."
-- Nerie



Oh well, gabi na naman at wala na naman akong maisip na pwedeng mailagay sa mahiwagang blog ni SUPER NERIE. Paano nag-umpisa at paano natapos ang araw kong ito na tila wala namang silbi.  


Nagising ako bandang alas-syete y media ng umaga. Nagising dahil sa kakaibang banas na 
nararamdaman ko noong oras na iyon. Sumagi sa isip ko.. Dilat -- tingin sa kaliwa, tingin sa kanan.. "Off ko nga pala ngayon, gaga." 

In-in muna. Sa agang iyon, una kong hinagilap ang mahiwagang libro na kung saan sinesermunan na ako ng hindi ako makakapag-asawa ng ayos kung puro true love ang pinaiiral ko. MALAMANG! :) Okay, so 7:30 ng umaga nagbabasa na ako.


Naumay. Nangalay. Inantok na naman ako. Tulog muna ulit. Silip sa bintana, maliwanag na pero pikit ulit. Natulog hanggang sa nagising bandang alas-otso ng umaga. Kinapa ang mahal kong "phone" (HAHAHAHA. Iphone. :P) May message sya. "Morning" daw. Konting kilig, tingin sa kisame, *sigh* ang aga-aga ganito. 


Bangon. Ligo, bihis. Withdraw ng pera. Kaladkad ko ang mama ko, sinama ko sya mamili ng mga gusto ko. I LOVE YOU PAYDAY. Salamat at nabusog kami ng bongga ng nanay ko. Namili nga ako ng libro kaso mo naman ang nagustuhan kong Nicholas Sparks ay tumataginting na P 599.00. Hayy, kailangan muna kitang bitawan dahil may mas kailangan akong bilhin. Anyway, natapos ang araw ko ganap na 4:30 PM at saka lang nagyaya ng uwi ang mahal kong ina. 



Manginginig na naman ako mamaya dahil wala akong binabasang libro gayun pa man bago pa man matapos ang aking araw, 25/04/2012.. ay nasira na ito bandang 12:30 ng tanghali sa hindi magandang nakita ko. Ayoko na idetalye ang mga nakita ko pero sa tulad kong SELOSA, ang aking online diary na ito na lamang ang nakakaalam na patagal ng patagal, palalim ng palalim yung sakit na nararamdaman ko kahit alam kong hindi naman dapat. 


"Hindi naman masama magselos as long as may nararamdaman ka.."


Kung pwede nga lang sana na lahat ay ganyan ang persepsyon sa pagseselos ang kaso hindi, it's either sasabihan kang FEELINGERA o AMBISYOSA. Masakit, pero totoo naman diba? Tinamaan ka? Iilag kasi. 


Okay. Tapos na. Blog, pasensya ka na, araw araw na akong nagsumbong sayo, kaya siguro araw araw akong nahihirapan mag-login sa'yo. :) HAHAHAH. :-)
Salamat sa pagbabasa. Hanggang sa susunod na pagseselos. :-)

Tuesday, April 24, 2012

OH MY GALEEEEHHH! :)



Yan ang gusto ko sana kasi parang naghahamon ng suntukan.




Hindi naman kasi tama 'to. Alam kong mula't sapul na hindi na dapat pinalawig pa kasi isa lang ang hahantungan kumbaga, babanggaan. Utang na loob! Not anymore. Another heartbreak issue. Tama na ang tatlong heart break issues na ginawa ko dati, at hindi ko na dadagdagan yun. Salamat noong una, wala-- Negative hanggang sa dumating si PAIN.


Ilang beses ko na naman syang tinatawag na PAIN. Sa hindi ko mawaring dahilan, yun ang unang rumehistro sa kokote ko nung mga oras na litung-lito ako, selos na selos, nanggagalaiti sa hindi naman pwedeng dahilan at naiiyak na sa sobrang asar.


..... Tapos biglang nag-play ang "Always be my Baby.." Suntukan na lang tayo David Cook. Naaasar nga ako eh diba? Diba? Okay, so sa pagpapatuloy ng masalimuot kong linggo, hindi ko na iisa isahin na nainis ako, na hindi ko nakikita yung inaasahan ko.. (na alam mo namang dapat ay HINDI..") Isa lang ang pakahulugan ko sa post kong ito, masama ang loob ko!



Alam ko may makakabasa ditong iilan. Hihinto, sisipatin ang page na 'to at titingnan at maghahanap ng pwedeng mabasa.. Yung may KWENTA. Wala 'to, wala ding makikinig sa pagmamarakulyo ko. Nakakainis lang. Basta NAKAKAINISSSSSS!! (Superlative sa "S")


Off bukas ni Super Nerie, di muna ko magliligtas ng mga malulungkot na nilalang ha? Tutulog ng mga 3 weeks si Super Nerie, para di ko makita si PAIN na ngalingali ko na ibuhol sa cellsite ng Globe. :D

Thursday, April 12, 2012

IDLE 101

Oh well, what can I say? Nakakapagod pa lang matulog maghapon. :D


Hindi naman porket nagpost na sa blog ng maikli, ikaw na ang naiisip.
Na kasalanan mo bakit blangko ang isip ko..
Na bakit kanina pa ako naghahanap ng pwede ko ilagay sa blog ay wala pa ding matipang ayos.


Wala akong maisip.
Ang alam ko, naiinis pa din ako sa sitwasyon.
Sa katangahan ko sa'yo at minsan naiisip kong tumawa na lang kasi hindi naman kahit kaluluwa ko naniniwala sa nararamdaman ko.
Okay.


Masakit ang ulo ko.. Goodnight. Sana di kita makita bukas.




SUPERDORK is TIRED.
Amen to Jonathan Liebesman for Wrath of the Titans. :))